Cursed 4

81 7 0
                                    

Monday 9:13 AM

Inilalayan nalang nina Ezekiel at Magnus ang bagong kaklase at sinamahan itong kunin ang kanyang mga gamit sa locker at sabay din silang naglakad papunta sa kanilang classroom tutal doon din sila papuntang dalawa, hindi parin nila malimot limot yung nangyari sa hallway kanina kung paano parang nabangga lang ni Clara ang upuan ng kanilang PE teacher na si sir Tonner.

Si sir Tonner na may kakaibang lakas at pwede niya ring bigyan ng hindi pangkaraniwang bigat ang isang bagay at wala pang ibang tao ang nakagalaw ng mga bagay na iyon maliban siya mismo, hanggang sa dumating nalang bigla si Clara.

Tumitingin tingin lang siya sa kanyang paligid habang naglalakad, ang dalawang nakasunod naman ay nakatitig lang sakanya.

"Paano niya kaya nagawa yun?" Bulong ni Magnus sa katabi na si Ezekiel, kumibit balikat lang ang binata at binalik ang titig niya kay Clara. 'She's interesting.' Sabi niya sakanyang sarili.

Pagdating nila sakanilang silid-aralan ay nagsisimula na pala ang kanilang klase, walang pagaalinlangan na pumasok si Clara at iniwan ang kanyang mga kasama sa labas na nagpalaki sa kanilang mga mata.

"Dude, time na ba ni Ms. Mira ngayon?" tulalang tanong ni Magnus kay Ezekiel. Tumango lang ang binata bilang sagot. Napalunok silang dalawa at pumasok nalang at baka makita pa sila ng assistant principal, mas malalagot sila nun.

Biglang natahimik ang kanilang buong klase nung makita silang pumasok, todo yuko naman yung dalawa na nasa likuran lang ni Clara.

"Ahem, may I help you?" Magalang na bati ni Ms. Mira sabay pekeng ngumiti.

Isa sa mga pinaka hindi niya gusto sa lahat ay ang mga studyanteng lalabas at papasok lang sakanyang klase ng walang paalam lalo na kung nagsasalita siya.

Kaya ganoon nalang ang kaba nung dalawa dahil alam nila kung paano magalit ang kanilang Mathematics teacher na si Ms. Mira, at dahil ang kakayahan nito ay nakakakilabot talaga.

"Is this block 1-A?" Tamad na tanong lang ni Clara pero sa paligid siya nakatitig, "Yes, and....you are?" Parang nawawalan rin ng gana na sagot ni Ms. Mira, tumingin naman si Clara sakanya sabay lapit.

"Clara Dawson, new student." Parang umigting ang tenga ng guro nung marinig niya ang apilido ng dalaga, hindi naman niya alam ang kanyang sasabihin kaya tinanggap nalang niya ang report card na inabot nito.

"Uh-uhm...so you're the new student. Uhh, welcome! I guess...m-maari kang umupo doon sa may likuran." Nauutal na sabi niya sabay turo doon sa upuan na malapit lang sa bintana, nagtaka sina Magnus at Ezekiel na nakatayo parin sa may pintuan sa inasta ng kanilang striktang guro.

"Anu nanyare kay Miss Mira, pre?" Nagtatakang tanong ni Magnus, hindi naman yun nasagot ni Ezekiel nung biglang tumingin sakanila ang kanilang guro.

"Oh, anong pa ang ginagawa niyo dyan? Tatayo lang ba kayo hanggang sa matapos ang klase ko?" Taas kilay na sabat nito kaya agad agad na umupo yung dalawa sakanilang mga upuan, si Clara naman ay tahimik lang na nakaupo sakanyang upuan na para bang sanay na siya mag-aral kasama ang ibang tao.

Nagsimula ang kanilang klase ng matiwasay at so far walang binatuhan ng eraser si Mrs. Mira habang nagdidiscuss siya, agad namang niligpit ni Clara ang kanyang mga kagamitan sa asignaturang matematika at inilabas naman niya ang kanyang mga kagamitan sa kanilang susunod na klase.

Pumasok ang kanilang propesor sa ingles na si Mrs. Kelsey at may dala nanaman itong sangkatutak na mga libro sa kanyang likuran gamit ang kanyang abilidad na tinatawag na 'force field', maaari niyang dalhin at palutangin ang mga gamit sa paraang iyon.

Pero ang pangunahing paggamit ng kakayahan na iyon ay upang protektahan ang isang partikular na bagay o tao, napapalutang nga niya ang mga bagay bagay sa kanyang paligid ngunit hindi ito katulad ng 'telekinesis' na kaya nitong gawin kahit ano niyang gusto sa bagay na iyon.

"Good morning, Oh! I see, we have a new student?" Namangha si Clara sa galing nitong magbigkas ng ingles at may accent pa ito na para bang isa itong tunay na banyaga.

"What's your name pretty girl? Can you introduce yourself?" Hindi nagdalawang isip na tumayo si Clara at nagpakilala sa sarili pero doon lang siya nakatayo sa upuan niya.

"I'm Clara Dawson, 16 years old." Kalmado nitong sambit, tumango tango naman ang kanilang guro at naglakad ito palapit sa dalaga.

"A Dawson, I bet your ability is strong. Can you show it to us though?" Nakangiti nitong sabi, tumingin si Clara sa kanya at sa kanyang mga kaklase bago niya itinaas ang kanyang kamay at biglang naging mga patalim ang kanyang mga daliri na kinamangha ng kanyang mga kaklase.

"Wait, that's Clide's ability right?"

"Yes, does that mean..."

"He's dead?!"

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ni Clara at naguluhan siya sa mga sinasabi nila. "Hmm, organic constructs. Your family are strong vighties...indeed." Sabi pa nito at naglakad pabalik sa kanyang table sa harap,

"Well, nice meeting you Ms. Dawson." Nakangiti nitong bati, hindi naman sumagot si Clara at umupo lang ito. Pero hindi masydong nakakafocus si Clara sa pakikinig dahil tinititigan siya ng kanyang mga kaklase at may pasulyap sulyap din ang kanilang propesor sa kanya na nasa harap.

Pagkatapos ng kanilang klase sa english ay may 30 minutes break muna sila bago sila lumipat sa kanilang laboratory para sakanilang susunod na klase na tungkol sa siyensa, agad din namang lumapit ang dalawang kanina pa atat na atat magtanong sa dalaga.

"Organic constructs, the ability to make things and one's body into a tool or a weapon." Biglang saysay ni Ezekiel at tumayo sa may giliran ni Clara habang nakaupo parin ang dalaga,

"That was once Clide's ability, pero nasayo na?" Hindi makapaniwalang banat naman ni Magnus sabay upo sa harapan ni Clara.

Hindi sumagot ang dalaga at tumitig lang sa dalawa, ang dalawa naman ay hindi natinag at nakipagtitigan din sa dalaga na nagpakunot sa noo niya.

"What do you want?" Inis na tanong ng dalaga, nagtinginan ang dalawa at mas lalong lumapit sakanya.

"Answers." Sagot ni Ezekiel at diretsong tumitig sakanya, agad namang umiwas sa pagtitig si Clara at bumuntong hininga.

"Okay, magtanong na kayo!" Inis na sabi ng dalaga na para bang suko na ito, agad namang umupo ng maayos si Magnus habang kumuha naman ng upuan si Ezekiel at umupo sa tabi ni Clara.

"Ano ba ang gusto niyong malaman?"

to be continued.....

Am I Cursed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon