P6 - I've Missed Her

2K 105 7
                                    

Nang matapos ang sandaling iyon halos bagsak ang katawan namin, habang siya ay nakadapa pinagmasdan ko lang ang halos hingal niyang pag hinga, tumingin siya sa akin at ngumiti, maya maya'y nilapitan niya ako tsaka humiga sa braso ko, nilagay ko palikod niya ang aking kamay tsaka ko hinaplos ang kaniyang braso.

Twinie: Thank you.
(Mahina niyang sambit sa akin)

Genie: For what?
(Ngiting pahayag ko)

Twinie: For everything, specially for loving me again.

(Ewan ko ba sa tuwing magsasalita siya kakaiba ang tama sa akin, hindi ko makapa sa sarili ko pero parang tinatamaan ako ng bawat sinasabi niya, para siyang konsensya na hindi naman dapat, nginitian ko lang ulit siya ng maalala kong may itatanong ako sa kaniya.)

Genie: Ahm Twinie!

Twinie: Hmmm, bakit?

Genie: Raine already told me, yung pagtulong niya sayo na maging okay tayo? Why did she do that magkakilala ba kayo? O close ba kayo?

Twinie: Nop, actually last week ko lang siya nakilala nung nagpunta ko sa bar niyo kasi hinanap kita, thou kinuwento mo na siya sa akin before.

Genie: Ahhh, okay, I'm wondering why she will help you?

Twinie: Bakit naman hindi maybe naawa siya sa akin, kasi I really want to see you and talk to you.
(yun lang ba talaga ang dahilan, malalim ang isipin kong iyon ng putulin niya.) Why is there anything that bothered you? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?

Genie: Wala naman.
(ngiting pahayag ko sa kaniya)

Nang magtatanghali ay pinasya kong magluto since tinatamad naman akong lumabas, medyo late na nga ala una na ng hapon, tinulungan niya akong mag hiwa ng karne para sa adobong iluluto ko. Wala pang ilang minuto ng bumaba si chub rinig ko ang bati nya kay Twinie maging sakin pero hindi ko sya pinansin.

Raine: Hi twinie, yatz. (sabay lapit niya pero di ko siya nilingon) Yatz, I'm sorry kahapon. (mahinang sambit niya)

Genie: Ahm, babe pasuyo naman nung karne. (Tawag ko kay Twinie, na nakaupo sa lamesa at inabot nya iyon samantalang ako hindi ko pa rin pinansin si chub rinig ko ang buntong hininga niya, bago umalis sa tabi ko at muli siyang pumasok sa kwarto niya masakit din para sa akin ang hindi siya pansinin pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.)

Kumakain na kami ng paalis na si chub inalok pa sya ni Twinie na kumain pero tumanggi siya, tila nagtaka naman si Twinie sa hindi ko pagkausap kay chub pero kibit balikat ako.

Sa nangyari samin ni chub wala na ngang pansinan na nagaganap sa pagaakala niyang magpapadala ako sa nangyari nagkakamali siya, dahil mas lalo akong naging matigas lalo akong naging rebelde. Gabi-gabi ako may inuuwing babae sa bahay namin wala akong pakielam kung makita niya o hindi sinasadya ko pa ngang ipakita sa kaniya kahit sa harap niya nagagawa kong makipaglandian, kahit kaninong babae alam ko deep down inside na galit siya sa akin lalo na parang baliwala yung nangyari. Para sa akin na nagpatuloy sa aking gawain pero wala na akong pakielam wala na kaming pakielamanan, pero hindi ko lubos na maintindihan ang aking sarili na kahit pa ata mas maraming magagandang babae ang makasama ko gabi-gabi may isang babae na hindi ko na kayang alisin sa aking systema, si Twinie she reminds me of chub na kahit na lokohin ko si Twinie at the end of the day sa kaniya ang bagsak ko, hindi kaya baka si Twinie na talaga ang para sa akin? Ni minsan naman  niya ako nahuli sa kalokohan ko kaya tuloy lang isang buwan na ang lumipas pamula nung magkita kami so one month narin kaming in a relationship, sobrang maalaga niya, sweet, hindi ko alam bakit ko pa siya ngagawang lokohin o nag bubulag bulagan lang ba ako at hindi ko pa siya ma appreciate ng sobra.

Galing ako sa isang bar kasama ang iba kong kaibigan ng may nabola na naman akong babae, agad kong inuwi sa bahay ng makapasok sa loob palang ng sala hinalikan ko na agad siya ng mapansin ko ang pag baba ni chub, nagulat siya ng makita ako pati ang babaeng kasama ko kaya natigilan din siya, hindi ko pinansin si chub at hinila ko ang babae sa kwarto dun ko mas hinigitan ang ginawa ko sa kaniya, gusto kong mas marinig ni chub ang ingay na gagawin namin. Narinig ko ang lagabag sa kwarto niya alam kong naiinis na siya non pero nagpatuloy lang ako.

dakilang "PLAY GIRL" (RaStro)Where stories live. Discover now