P11 - CONFUSE

1.9K 93 14
                                    

Sa paglipas ng araw mas dumalas nga ang pagpunta ni Twinie sa bahay, maging sa bar parang lagi siyang nakabantay kay yatz, si yatz naman tuwang tuwa sa pagaligid ni Twinie sa kanya, pero hindi parin siya natigil sa pambabae, may sinasabi sabi pa siyang magbabago, hindi naman kayang gawin, sana nga mahuli siya ni Twinie para mag break na sila. Ang sama ko gosh, eh kasi naman parang di na ko nakikita ni yatz lagi nalang si Twinie ang kasama nya, kagaya ngayon dalawang gabi siyang dito natulog tapos suot niya pa yung damit na niregalo ko kay yatz kainis talaga.

Abala ako sa paghuhugas ng pinag kainan namin ng tumunog ang doorbell sa labas.

Raine: Yatz, may tao patingnan naman please. (At tumayo siya para silipin iyon)

Genie: Yung boyfriend mong tuko.

(Sigaw niya at agad kong pinunasan ang aking kamay para puntahan si Dave)

Raine: Bakit di mo man lang pinapasok?

Genie: Ayoko nga upakan ko pa yan.

Raine: Yatz ha.
(Sita ko sa kaniya bago siya bumalik sa tabi ni Twinie.)

Himala sa isip ko may dalang bulaklak at chocolates si Dave, ano yon suhol??..

Dave: For you.

(sabay halik niya sa pisngi ko)

Raine: Hmm, para saan ito?

(Takang tanong ko na napakunoot ang noo niya)..

Dave: You forgot? happy monthsarry babe.

(Sabay halik niya sa labi ko, shit nakalimutan ko 8th monthsarry namin eh, kasi naman nung 7th nakalimutan niya din.)

Raine: I'm sorry babe, nawala sa isip ko.

Dave: It's okay, I understand, so paano? I'll pick you up later mag dinner tayo? (Sabay halik niya ulit sa labi ko tapos ay nagmadali siyang umalis) Bye.

Raine: Bye.

(Sabay pasok ko sa loob, naka smirk naman si yatz ng makita ang bulaklak na hawak ko.)

Twinie: Ang sweet naman ni Dave, di ba babe? (baling niya dito)

Genie: Mas sweet ako sa kaniya.
(Inis niyang sambit at nagpatuloy sa panonood napansin ko ang pagkawala ng reaction ni Twinie ng tumingin siya sa akin, ayokong isiping naiinis siya sa akin pero iyon ang nababasa ko sa muka niya, ewan ko ba sa babaeng to parang pinagseselosan talaga ako kay yatz. Pumasok ako sa loob ng kwarto, naiinis ako kasi nakalimutan ko yung monthsarry namin ni Dave, pero mas naiinis ako kay Twinie, makapagayos na nga lang para sa date namin ni Dave ng di ako masyadong nagiisip mababaliw ako nito ng maaga eh, naidlip ako saglit tapos nagising ako bandang alas dos, naka pag pa ganda na ako, simpleng make up? simpleng dress lang sinuot ko dahil baka nga manuod lang kami ng sine or what mag text na si Dave bandang alas kwatro ng hapon, on da way na daw siya.)

Raine: Yatz, aalis ako ha ikaw muna ang bahala sa bar mamaya, may date kame ni Dave.
(Paalam ko sa kaniya)

Genie: Eh, chub naman. (Angal niya)

Raine: Genie, ngayon lang ako hihiling sayo, monthsarry namin, so please understand, okay? Sige na, Twinie bye.

(Paalam ko sa kanila ng marinig ko na ang busina ni Dave sa labas)

Kainis si Dave na naman kelan yung ako naman ng tingnan ko si Twinie na kanina pa ata nakatitig sa akin.

Genie: Oh, bakit ganyan ka makatingin?

Twinie: Wala naman, it's seems like na nagseselos ka.

Genie: Ako? Bakit? Kanino?

Twinie: Kay Dave.

dakilang "PLAY GIRL" (RaStro)Where stories live. Discover now