Sa inis ko ay sunud-sunod kong pinukpok ang manibela ng aking kotse, bumiyahe ako ng walang direksyon at patutunguhan, ng biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang text.
From chub:
Balikan mo ako mamaya, umalis na si Dave. Wala akong sasakyan pauwi.(Nag ning ning ang mga mata ko sa aking nabasa, pero napaisip naman ako bakit aalis si tuko gusto ko na sanang bumalik agad, siguro mamaya nalang baka isipin niya atat akong balikan siya.)
Nang matanggap ko ang text ni chub napangiti ako, pakiramdam ko "she really needs me" yung tipong kahit sa ganitong paraan napaparamdam niya sa akin na hindi ako pwedeng mawala sa buhay niya.
Mabuti nalang at kinailangan umalis ni Dave, para si yatz padin ang maghatid sa akin pauwi ang sama man, pero mas gusto ko siyang kasama kesa kay Dave...
Kunwaring nag patagal ako sa aking pagbalik mga tatlong oras bago ko napasyang bumalik sa bar.
Raine: Buti naman at binalikan mo agad ako. (Bungad niya sa akin pag pasok ko ng opisina niya ay naupo lang ako sa sofa at hindi ko siya pinansin.) Kumusta ang pagpunta mo kila Arci? (Muli niyang tanong sa akin, ngumuso ako at lumapit sa harap ng mesa niya.)
Genie: Ayos lang sumaglit lang ako, kasi aalis din siya eh.
(Pagsisinungaling ko, tumango tango lang siya sakin at pagkuway bumaling muli sa kaniyang ginagawa.)
Raine: Ahm, what about Twinie?
Hindi pa rin ba kayo naguusap?(Umiling-iling lang ako bilang sagot, halos mag ta-tatlong linggo na rin pala ng nag away kami ni Twinie, ni minsan hindi ko siya nagawang tawagan. Ganon din siya sa akin bigla akong nakaramdam ng kaba sa di ko malamang dahilan, takot ba 'to na baka sinukuan niya na ako. Muli akong bumalik sa sofa at agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya, nakailang ring pero walang sagot napabuntong hininga nalang ako sa isipin ko na baka sinukuan na niya talaga ako.)
Raine: Are you alright yatz?
(Nilingon ko si chub at bahagyan ko siyang binigyan ng malungkot na itsura.)
Genie: Hindi ako sinasagot ni Twinie baka pati siya...
(Pinutol ko ang aking sasabihin bago tumungo, ramdam ko naman na tila lumapit si chub sakin at hinawakan niya ang balikat ko.)
Raine: Yatz, it's okay.
(Sambit niya sabay luhod sa harapan ko ngumiti siya ng bahagya at hinawakan ang pisngi ko) Kahit naman mawala siya sayo, nandito pa rin naman ako eh, hindi kita i-iwan kahit ano mangyari. (Bigla naman akong napayakap kay chub dahil sa sinabi niya)Genie: Alam ko chub, alam ko namang ikaw nalang ang magtitiyaga sa katulad ko eh, ikaw nalang ang nagmamahal sa sira ulong kagaya ko eh, kaya nga mahal na mahal din kita chub at nandito lang din ako para sayo, (Bahagyang tumulo ang luha sa gilid ng aking mata at ng magkalas kami sa aming yakapan ay napansin ko rin na tumulo din ang luha niya, kaya napatawa kami pareho.)
Ang sarap marinig ng mga katagang sinabi ni yatz, how I wish na sana ako nalang.
Hays, kaya mahal na mahal ko tong si chub kung sana may lakas ng loob akong sabihin sa kaniya, kung gaano ko siya kamahal ginawa ko na, pero papaano kung di pa naman ako siguro na totoo nga na gusto niya rin ako, paano kung tama ang hinala ko na nagseselos lang siya bilang kaibigan at hindi higit don.
Raine: Para tayong timang, ang drama natin sa buhay.
(Biro niya sa akin) Pero yatz, seryoso thank you ha. (Ngiting pahayag ni chub sa akin.)Genie: Thank you rin.
(Pinunas nya ang luha ko at pagkuway tumayo siya)
YOU ARE READING
dakilang "PLAY GIRL" (RaStro)
FanficStory of a girl who loves to break someone's heart but she's also having a broken heart...