Kung nung nakalipas na linggo ay palaging nakabuntot si Twinie kay yatz ngayon naman ay nagtaka ako nitong nagdaang araw, parang wala si Twinie hindi siya bumibisita sa bahay, pati na rin sa bar, nagaway ba sila? Kaya naisipan kong tanungin si yatz, kasalukuyan kaming nagkakape.
Raine: Yatz, kumusta kayo ni Twinie? Bakit dalawang araw ko na siyang hindi napapansin?
Genie: Nag away kami eh.
(Sagot niya sa akin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin)
Raine: Ano namang pinagawayan ninyo? Siguro babae no? Nabuking ka na. Hahaha.
(Pabiro ko pang sagot sa kaniya, nagulat naman ako ng tumingin siya sakin ng seryoso.)
Tatawa tawa ka diyan, ikaw naman ang dahilan, gusto kong batukan tong si chub eh, hayy napaka manhid daig pa ang tinurukan ng anesthesia.
Raine: Uy, yatz sorry may nasabi ba kong masama? Nagbibiro lang ako. (Pukaw niya ng isipin kong iyon muli kong binalingan ang kape at hindi ko sinagot ang tanong niya.) Hmm, gusto mo bang pagusapan? (muli niyang tanong sa akin, napabuntong hininga nalang ako, sa totoo lang ayaw kong pag usapan pero ang bigat bigat na sa loob ko, kahit anong oras pwede na akong sumabog pero pinipigilan ko lang.)
Genie: Chub, ang hirap pala talagang mandaya, lalo na at tunay na damdamin ang pinaguusapan gusto kong matutunan na mahalin si Twinie, pero paano ko gagawin iyon kung iba ang nilalaman ng puso ko.
(Patuloy kong kwento hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni chub na humawak sa kamay ko.)
Raine: Alam mo yatz, madali lang yan sundin mo ang nilalaman ng puso mo, aminin mo dun sa taong mahal mo.
(hindi ko alam kung tama ba ang advice ko sa kaniya, pero nakaramdam ako ng hapdi sa aking puso, bakit ba ako nagkakaganito?)
Genie: Kahit may mahal na siyang iba? Ayokong makasira ng relasyon at higit sa lahat ayoko ko siyanh mawala.
Raine: Well, in that case mahirap nga pero bakit hindi mo subukan malay mo.
(Napailing nalang ako sa kaniyang sinabi, madali lang talagang sabihin pero mahirap gawin.)
Genie: Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, makakayanan mong aminin ang tunay mong nararamdaman sa taong may mahal ng iba? (Medyo natahimik siya, di ba tama ako madaling magbigay ng payo pero, hindi mo kayang i-aply sa sarili mo) Mas mabuti pa humingi nalang ako ng tawad kay Twinie, alam mo chub si Twinie lang ang nag titiyaga sa katulad ko eh, baka mas hindi ko makayanan kung pati siya tuluyan ng mawala.
Para naman akong sinaksak sa aking narinig si Twinie na naman bakit ako ba hindi ko ba siya tanggap, andito naman din ako ah palaging nasa tabi niya pero si Twinie lang ang lagi nyang nakikita.
Raine: Yatz, andito naman ako ah.
(Sagot ko sa kaniya, muli niya akong nilingon at sa pagtama ng mata namin ay bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh ano na naman ba ito?)
Genie: Andyan ka kasi bestfriend kita, mahal mo lang ako bilang kaibigan, hindi bilang girlfriend.
Raine: Yatz, walang makakapantay ng pagmamahal ko sayo, kahit anong itawag mo doon, kahit love as friend, as bestfriend, hindi matutumbasan iyon ng kahit anong pagmamahal ng kahit na sino.
(Yan ang mga salitang nabitawan ko, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hinugot ko talaga iyon galing sa puso.)
Napangiti ako sa sinabi ni chub totoo palagi siyang nandiyan para sa akin, kaya ganon ko siya kadaling minahal eh, kasi mahal niya ako kahit sira ulo ako.
YOU ARE READING
dakilang "PLAY GIRL" (RaStro)
FanficStory of a girl who loves to break someone's heart but she's also having a broken heart...