Nang makarating kami sa bar dumiretso si Genie sa counter at agad kumuha ng alak tingnan mo ito tutulungan daw ako, tutulungan siyang ubusin ang alak dito, samantalang ako naman ay sinalubong ng isa sa mga waiter namin.
Ma'am Raine, pasensya na po pero may problema tayo eh.
(Bulong niya sa akin)
Raine: Ha? Bakit anong nangyari?
(Tarantang tanong ko)
Ah, eh, ma'am yung banda niyo po para sana sa ngayong gabi hindi po makakatugtog, gawa ng may trangkaso daw po yung vocalista nila.
(Nalintikan na problema nga napaisip naman ako sandali ng makita ko si yatz)
Raine: Sige, salamat gagawan ko nalang ng paraan. (Kaya lumapit ako sa kaniya dahil siya naman ang madaming alam pagdating sa mga banda) Yatz, may problema.
(Bungad ko sa kaniya agad niya naman akong nilingon pag kainom nung alak na hawak niya)
Genie: Ano yon chub?
Raine: Yung banda para ngayong gabi kasi di makakarating eh, wala naman akong alam na makokontak ng madalian para ipalit sa kanila may alam ka ba?
(Napa ispa naman siya sandali at agad kinuha ang kanyang cellphone)
Genie: Teka lang at subukan kong kontakin sila Alwyn. (Wala pang ilang minuto, mukang may nakuha na nga siyang kapalit sa tono palang ng pakikipagusap niya) Woah, talaga chix ba yan,haha sige tol, paano kita kits nalang mamaya, sige bye. (At siyang baba niya ng kanyang cellphone na naimoy ngiting ngiti pa) Okay na chub, ayos na problema mo may nahanap na ako.
(Sinamaan ko naman siya ng tingin imbis na magpasalamat ako, paano may chix, pa siyang nalalaman. Nakaka inis talaga puro sya babae) Oh, bakit ka nakasimangot sabi ko okay na, nakahanap na ako ng ipapalit sa banda. Ano bang problema mo chub?Raine: Wala dyan ka na nga.
(Iniwaniniwan ko siya sa sobrang inis ko)
Genie: Tingnan mo 'yon, lakas topak talaga.
(Minsan gusto kong matawa sa mga ikinikilos nya eh, gusto kong isipin na nagseselos siya, pero hindi eh best friend nga lang di ba? Wag kang feeling diyan Genie. Kaya kumuha pa ako ng isang baso at pumasok ako sa opisina niya, kita ko naman na nakaupo siya at tila malalim ng iniisip.) Chub, inom tayo. (Aya ko sa kaniya nagulat naman siya sa prisensya ko)
Raine: Mabuti pa nga.
(Agad ko namang sinalinan ng alak ang baso niya at hindi ko pa man natatapos salinan ang baso ko tinungga niya na ng straight ang alak niya.)Genie: Woah, easy baka malasing ka niyan, may problema kaba o baka naman naiisip mo yung taong mahal mo? (Pang aasar ko pa sa kaniya tila nabulunan naman siya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin) Oh biro lang ikaw naman. (Nag patuloy naman kami sa paginum pero siya naging abala sa harap ng laptop niya, lumipas ang isang oras ng may kumatok sa opisina)
Raine: Pasok.
(Ay dumungaw nga ang isang waiter namin)
Ma'am andito na po yung bandang tutugtog para ngayong gabi.
(Sabad nito at napatayo naman si yatz tila nag ayos ng kanyang sarili)
Genie: Ah papasukin mo na.
(Sambit niya sa waiter) Chub, how do i look? Muka na ba kong hagard? (Tanong niya sakin at umiling lang ako muling may kumatok sa pinto at agad lumapit si yatz para buksan iyon) Guys, what's up? Pasok kayo.
(Aya niya sa mga ito kita ko ang tatlong lalaki na rakista ang mga pormahan, medyo kilala ko ang isa sa mga ito dahil naipakilala na siya sakin ni yatz dati, tila napatingin naman si yatz sa likudan nila at parang may hinahanap. Bumulong siya sa isa sa mga ito at natawa ang lalaki sa kaniya.)
YOU ARE READING
dakilang "PLAY GIRL" (RaStro)
FanfictionStory of a girl who loves to break someone's heart but she's also having a broken heart...