P10 - Competition Between My Girlfriend and My Bestfriend

2.2K 111 12
                                    

Naririnig ko sa labas ng kwarto ang tawanan nila Yatz at Twinie sobrang saya nila, ako eto nagiisip hindi ko alam bakit ako napapaisip?  Siguro namimiss ko lang si Dave, kaya sinubukan ko siyang kontakin para magkaayos na kami pero, nakailang tawag ako wala siyanh sagot kung minsan talaga naiinis na ako sa kaniya, pamula nung may nangyari samin bihira ko na siyang makontak, parang nag bago na siya, totoo nga siguro ang kasabihan na pag ang lalaki nakuha na ang gusto, nagbabago.

Lumipas ang ilang oras ng ayain ko si Twinie na kumain sa labas pero nagulat ako ng gustong niyang isama si Raine, okay din yun para naman may bonding kaming tatlo kaya kinatok ko si chub.

Genie: Chub?

Raine: Sandali lang. (Pag bukas ko ng pinto si yatz nakaakbay kay Twinie at si Twinie naman nakahawak sa bewang ni yatz, nakakainis sobrang sweet nila)

Genie: Uy, nakikinig ka ba? Sabi ko kakain kami sa labas, gusto ni Twinie kasama ka. (Pukaw niya ng pagkatulala ko)

Twinie: Oo nga Raine, ng mas magkakilala pa tayo, para naman if ever na mapag desisyon na namin ni Genie na magsama okay din ako sayo.

(Nag panting naman ang tenga ko sa aking narinig, teka magsama anong ibig niyang sabihin)

Raine: Anong sabi mo mag sasama?

(Medyo painusente kong tanong)

Twinie: Well, hindi pa naman sure kasi tong bestfriend mo pakiramdam ko may mahal namang iba, ewan ko ba.

(Sambit ni Twinie habang salitan ang tingin niya sa amin ni yatz)

Genie: Uy, hindi ah (depensa niya)

Twinie: Sus, naisip ko magsama na kami eh, sabi niya dito nalang daw ako tumira, ayaw ka kasing iwan nitong best friend mo eh.

(Patuloy niya natutuwa naman akong marinig, yung ayaw akong iwan ni yatz pero, uung magkakasama na sila teka, bakit parang hindi ako masaya? May balak na bang mag seryoso si yatz kaya pumayag siya? Gusto ko siyang tanungin, baka naman kalokohan lang ang lahat? Bahala na hahanap ako ng tiyempo.)

Raine: Sure kayo? Baka makaistorbo lang ako sa inyo?

Twinie: No, I insist, sumama ka na.

Raine: Okay, maliligo lang ako.

Genie: Sige, intayin ka nalang namin sa baba, maliligo din ako eh.
(At sabay nga silang pumasok sa kwarto nakakainis, napaparanoid na ako, ano kayang gagawin nila sa loob? baka mag kiss sila o kaya paliguan ni Twinie si yatz kainis naman, teka ano na naman ba ang iniisip ko nag seselos ba ako? Siguro? Dapat kasi kami ang sweet eh, okay lang mag selos kasi bestfriend niya ako di ba? Naguguluhan kong tanong sa aking sarili)

Kalalabas ko lang ng banyo, kita ko si Twinie nagbabasa basa lang napatingin siya sakin at nginitian ko siya magbibihis na ako ng maramdaman ako ang yakap niya sa aking likudan.

Twinie: Ang bango-bango naman ng babe ko. (sabay singhot niya sa leeg ko at hinalikan niya ko doon nakiliti naman ako sa ginawa niya)

Genie: Hmm, ikaw ha may lakad tayo di ba?
(Pinaharap niya ko at tumingin sa labi ko)

Twinie: I-kikiss lang naman kita eh pwede ba? (Pa-cute niya sa akin at tumango-tango lang ako, tsaka niya ako siniil ng halik napapagapang naman ang kamay ko sa katawan niya, medyo intense na kami ng biglang kumatok si chub at napatigil kami sa aming ginagawa.)

Raine: Yatz, Twinie, intayin ko kayo sa baba ha.

(Sigaw niya, napatingin ako kay Twinie tsaka siya tumawa.)

Genie: Sige chub, nagbibihis lang ako. (Sigaw ko din sa kaniya)

Pagkababa namin nakita ko si chub nagaantay sa sofa, gosh ang ganda niya, hindi ko maintindihan ang tibok ng puso ko pagnakatingin ako sa kaniya ng hawakan ni Twinie ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at siya ay nakatingin din kay chub, muli akong nilingon ni Twinie kita ko ang lungkot sa kanyang mata kaya nginitian ko nalang siya. Ang weird, bakit ganon siya makatingin?

dakilang "PLAY GIRL" (RaStro)Where stories live. Discover now