Chapter 2: Rejecting

3.7K 61 0
                                    

♠Felicity Lace

Andito ako ngayon sa Secluded Quarters kasama si Fairen, Florance, Flakes, Kuya Floran at Lione. Hinihintay ko lang na mag-7:30 dahil malapit lang ang Secluded Quarters sa Labyrinth's Office. Dito na ako tumuloy matapos yung training kanina.

Ang Secluded Quarters ay isang malaking bahay. Di sya mansyon, di din naman sya maliit. Nandito kasi lahat makikita yung sa tracker namin, cameras all over the domicile and even the tracker of our cars. Andito din yung Laboratory kung saan doon tinetest ng kung ano-ano. Usually si Florance at Lione ang nandoon dahil parehas silang chemical engineering ang course. Bata pa kasi parehas.

Sa mga kasama ko naman, si Florance at Kuya Floran ko lang ang kapatid ko. Si Florance ang bunso mamin at si Kuya Floran eh mas una lang sa akin. Siya kasi yung bossing dito sa Secluded Quarters. Siya kasi yung mechanical engineer na kung ano-ano ang nabubuo kaya eto na yung tambayan nya. Halos gawin nya na nga itong bahay kahit may bahay naman sya talagang iba. Karaniwang kasama nya dito si Florance at Lione.

Si Lione naman ay kapatid ni Fairen. Bunso siya. Tatlo lang silang magkakapatid. Yung si Kuya Lachier na pinakamatanda nila, kasama ni Kuya Lane sa ibang bansa for international assignment nila kaya wala sila dito.

Actually, Kuya Lachier, Fairen and Lione's father is the twin brother of our father. Di ba ang sabi nila kahit magkaiba kami, parang magkakapatid pa din kami dahil kambal yung mga magulang namin.

Dahil nga kambal yung father namin, yung heirs ay pinaghalo sa amin. Bali sa amin, si Kuya Layton, Kuya Franco at Kuya Lachier ang part ng Labyrinth. Sa mga kapatid naman ni Flakes ay si Kuya Lane, Kuya Flint at Kuya Franq. But then sabi nila, si Kuya Lane, Kuya Layton at Kuya Lachier ang pinakamataas dahil sila ang panganay. At kami ang iba ay field agents at ang iba naman ay secluded agents. Pero pwede naman kaming kahit ano pero parang specialization namin yon.

"Fely, di ka na naman ba magsasalita?", tanong sa akin ni Fairen. Actually parehas kami ni Kuya Floran na di palasalita at... Yeah cold.

"Ano bang dapat kong sabihin?", tinatamad kong sabi habang nakatingin lang sa kung saan. Tinitignan ko kasi yung paligid nitong Secluded Quarters, masyadong madilim. Ang mga ilaw lang namin ay yung mga monitors na ang lalaki.

"Sakit ng katawan ko", sabi ni Flakes.

"Pano di ka sumasama kay Florance at Lione. Dapat samahang bunso kayo", natatawang sabi ni Fairen kaya napangisi ako.

"Nako, si Kuya Franq lang naman ang magaling sa amin when it comes sa technology at mga chemicals na yan. Pero wag ka, kapag pinabaril mo eh di asintado", sabi ni Flakes at tumawa.

"So you're saying na di kami magaling?", biglang tanong ni Kuya Floran pero busy pa din kakatype ng kung ano sa computer nya.

"Wala akong sinabi. Aba naman Kuya!", sabi ni Flakea at nagpout. Si Lione at Florance kasi nasa loob ng Laboratory.

"Where are the two weirdos?", tanong ni Kuya.

"There", sabi ko at tinuro yung laboratory.

'Agent Cold, Labyrinth's Office in five minutes'

Tinignan ako nila Fairen, Flakes at Kuya Floran.

"Tawag ka na nila. Baka ma-punishment ka na naman. Kaya mo yan", sabi ni Kuya Floran.

Lumabas ako ng Secluded Quarters at pumunta sa Labyrinth's Office. Building sya kasi andito yung office nung anim. Pero yung second floor, andon yung mismong Conference Room. At doon ako pupunta.

Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon