♠Felicity Lace
Pagkauwi ko sa bahay, napaupo ako sa sofa. Naiinis pa din ako. Punyeta yung Alfred Nick na yon! Halikan daw ba ako!
Marahas ko na namang pinunasan yung bibig ko at saka ako tumayo para kumuha ng pagkain doon sa kusina. Kasabay naman non ang pagvibrate ng phone ko.
"Hello?"
'I activated the ChameRa in Alfred's house. How are you? Hinalay ka ba nya?'
Napairap naman ako sa term ni Kuya Floran.
"Abnormal ka ba? Para namang hahayaan kong halayin nya ako"
Kahit oo Felicity! Nanakawan ka nga ng halik di ba?
'Good. Like what I've said, the ChameRa is activated. You can protect Alfred's family too'
"Got it"
'Nakatulog ka ba ng maayos? Di ka man lang ba nailang?'
"Kuya, we're talking about our work"
'I know at kasama sa work mo ang kalagayan mo'
"I said I'm okay. Magpapahinga lang ako ngayon dahil bukas may trabaho ulit ako. Okay ka na?"
'Good. And yung enrollment mo sa law proper, next week daw. Wag mong kalimutan. Kunin mo yung 5pm-10pm. Dahil doon ka lang available'
"Copy"
'Good. Pahinga ka na. Malamig ngayon, wag ka masyasong magsusuot ng maiikli'
He ended the call at ako naman ay kumain lang ulit. Tapos non eh umakyat na ako sa kwarto ko. Nilibang ko lang yung sarili ko pero bored na bored na talaga ako. Kaya wala akong nagawa kundi magpatugtog na lang.
Humiga ako ng kama ko at pumikit. I need to relax. Don't think about what happened.
Habang nakapikit ako ay feeling ko, papalapit nang papalapit yung mukha ni Nick sa akin. Agad akong dumilat at napabangon.
Baket ba paulit-ulit sya sa utak ko. Fvck it!
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Umaga na pala. Umaga na din ako nakatulog eh. Di kasi ako pinatulog ng punyetang pangyayari na yun eh.
Tinignan ko yung oras. 6:30 lang pala. Maaga pa para sa pasok ko. Bumaba ako ng kusina at kumain na ako ng almusal. Dahil wala naman akong day off, tuwing breakfast lang ata ako nakakapagluto ng matinong pagkain. Pagdating ko naman kasi ng gabi, ayaw na ng katawan ko na kumain. Gusto na niyang magpahinga.
Pagkakain ko, naligo na agad ako at nagbihis ng pamasok. Sakto namang 7:30 eh nakatapos ako kaya naisipan ko na ding umalis.
Pagkadating ko sa office, nakita ko sa cafeteria sila Daven, Hermie at Gabriel. Wala pa yung baklita.
Lumapit ako sa kanila at binati naman agad nila ako.
"O kamusta sa bahay ni Sir? May namuo na ba?", pambungad sa akin ni Hermie.
"Kumain ka nga muna bago ka mang-intriga", sabi ni Gabriel sa kanya at kumagat pa sa hawak nyang sandwich.
"Wag ka ngang magulo Gabriel. Sinabi ko naman kasi sayo na wag ka nang magsasama dyan sa Daven na yan na walang ginawa kundi tumahimik", sabi ni Hermie at sumimangot pa.
"Kesa naman sayo na salita ng salita kahit wala namang sense yung sinasabi", bulong ni Daven at pagtapos non ay uminom sya ng juice. Nakita kong inirapan na lang sya ni Hermie.
BINABASA MO ANG
Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]
FanfictionThe biggest responsibility is being a SECRET AGENT and taking into my past AGAIN