Chapter 31: Homecoming Party

1.3K 34 0
                                    

Felicity Lace

"Wag masyadong bongga ha", sabi ko at biglang tumawa si Georgina.

"Wag kang mag-alala, maganda ka na kaya light lang ang ilalagay namin", sabi niya at nilagyan na ako ng eye shadow. Si Hermie ang nag-aayos ng buhok ko.

Obviously, it's the night of the party. Nandito yung apat kong sidekick pero si Daven at Gab ay kumakain doon sa kitchen ko.

"Pakicheck nga si Daven at Gab, baka naubos na yung stack ko", natatawa kong sabi sa dalawa.

"Hayaan mo sila. Ang importante maganda ka", sabi ni Hermie kaya napailing na lang ako.

"Asan na kaya si Sir Nick? Baka hinihintay ka na non!", sabi ni Gab.

"Bilisan nyo kasing dalawa", natatawa kong sabi at naramdaman kong hinampas ako ni Hermie.

"Kapag binilisan namin di ka magiging maganda. Ang bilin sa amin ni Sir Nick kailangan ikaw ang pinakamaganda", sabi ni Georgina at gusto ko mang umirap pero di pwede, nakapikit ako.

"Dilat", sabi ni Georgina at di nila pinatingin sa akin yung itsura ko. Pinaglagay nila ako ng contact lens na color brown. Lagi naman na akong may contact lens dahil di na nga ako nagsusuot ng nerdy glasses. Sanay na din naman ako.

"Magsuot ka na", sabi ni Hermie at lumabas si Georgina. Tutulungan nya daw kasi akong magbihis.

"Hermie Green, kaya ko nang magsuot ng damit. Di ako ikakasal loko ka", natatawa kong sabi sa kanya.

"Gaga, practice na to. Ako din naman ang mag-aayos sayo nito kahit hindi ako ang bridesmaid mo!", natatawa nyang sabi.

"Loko ka, after 3 years saka na ako magpapakasal", sabi ko at hinampas nya ako.

"Gaga ka! Baka nga pagka-oo na pagka-oo mo kay Sir Nick eh kasal agad ang hinahangad mo", panloloko nya sa akin.

"Ewan ko sayo Hermie! Bata pa ako para dyan", natatawa kong sabi sa kanya.

Nagsuot na ako ng dress at tinulungan ako ni Hermie dahil nagugulo nga yung buhok ko. Naramdaman kong isinara nya na yung zipper.

"Ay pak na pak si Fel oh! Ganda talaga nya!", sabi niya kaya pinalo ko sya sa balikat.

"Tigilan mo ako Hermie!", natatawa kong sabi sa kanya.

Lumabas na kami ng kwarto ko at saka ako nagsuot ng heels

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumabas na kami ng kwarto ko at saka ako nagsuot ng heels.

"Ang ganda mo talaga nakakaloka ka!", sabi niya at saktong pagkasuot ko ng heels ko eh nakatingin na sa akin si Gab, Georgina at Daven. Mukha ngang lalaki si Georgina eh.

"You're stunning pero mahal ko ang asawa ko", sabi ni Daven at tinuloy yung pagkain ng snacks na nasa bowl.

"You're beautiful pero mahal ko si Hermie at papakasalan ko pa yan", sabi naman ni Daven at pinagpatuloy din ang pagkain ng snacks.

Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon