♠Felicity Lace
Sa apat na araw na lumipas, puro training lang ang ginawa ko. At ngayong araw na ito, meeting ulit with the Labyrinths for the plan. Bukas na kasi ako lilipat ng apartment and the day after tomorrow ay maga-apply na akosa Zeus Enterprising.
'Agent Cold, at the Labyrinths Office. 6pm sharp. Pack your things'
Nagkatinginan pa kaming Team Charlie at napakibit-balikat na lang ako. Agad akong nagpaalam sa kanila at pumunta sa bahay ko.
Naligo lang ako at nag-ayos na ng mga bagay na kailangan ko. Mamimiss ko tong bahay ko. Di naman pinapangalagaan ng mga walangya kong pinsan at kapatid tong bahay ko kaya hahayaan ko na lang na sarado lagi.
Pagkatapos kong mag-ayos, saktong 6 na kaya tumakbo ako papunta sa Labyrinths Office. Nakarating naman ako on time.
"Agent Cold, take your sit", sabi ni Kuya kaya umupo ako.
"Tomorrow, sa apartment ka na malapit sa Zeus Enterprising titira. Of course, para kahit papano ay hindi ganong kahirap tumakbo kapag nagkaroon ng problema. Ayos na din iyon at tanging gamit mo na lang ang hinihintay"
Napatango-tango lang ako.
"Pero kapag nakuha mo na yung unang sahod mo, palalabasin mo na bibili kang condo na malapit sa penthouse nya para talagang protektado sya. Maliwanag ba?"
Tumango ulit ako.
"Felicity"
Napatingin ako kay Kuya Layton na nakalagay yung dalawang kamay sa table at nakatingin sa akin directly.
"Felicity, sanayin mo yung sarili mo na matawag ulit niyan. Don't bring the past. Hindi ka magtatagumpay sa assignment mo kapag inisip mo yung tungkol doon"
Napatango na lang ulit ako. So I'm Felicity again.
"And one more thing, mag-iingat ka lagi. Di lang si Alfred ang poprotektahan mo kundi pati sarili mo. Be conscious all the time. Maging mapanuri. And don't ever fall for his charms again"
Tinignan ko muna sya at bumuntong-hininga ako at tumango.
"Good luck Agent Cold. May God will guide you towards your mission. Meeting adjourned"
Nginitian ako nung apat kong kuya at pumasok na sila sa office nila. Lumabas na din ako at napahawak ako sa ulo ko. Naiistress na naman ako.
Naglakad ako papunta sa bahay. Nagulat ako nang biglang may tumutunog na mga alarms. Napalingon ako sa likod at may nagt-training pala. Team Bravo. Kaya may habulan thingy kasi sila yung nagt-training.
Di ko na sila pinansin at saka ako tumuloy sa bahay. Okay? So eto na nga. Magkikita ulit kami. Guide me Oh Lord. Please.
Nag-ayos na ulit ako ng mga gamit ko at saka ako napahawak sa noo ko. Baket ba gusto ko na namang uminom ng alak? Gusto kong magpakalasing ulit.
NAGISING ako nang marinig ko nang naramdaman kong nagv-vibrate yung phone ko.
"Hello? Ang aga-aga istorbo"
'Felicity Lace, may misyon ka pa di ba?'
Napatingin ako sa caller kasabay ng pagtingin ko sa oras. Sht! Si Kuya Layton pala at ala-una na ng hapon.
"Okay wait for me. Punta na lang akong Quarters. Bye"
Agad akong naligo at nagmadaling magbihis. Di ko alam baket late ako nagising. Ay sht! Uminom nga pala akong mag-isa pero di naman ganong karami kaya di din sumasakit ulo ko. Medyo hilo lalo na nung biglang bangon ako kanina sa kama.
BINABASA MO ANG
Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]
FanfictionThe biggest responsibility is being a SECRET AGENT and taking into my past AGAIN