Chapter 15: Their First Move

1.9K 48 0
                                    

♦Alfred Nick

Napatayo ako sa kama and my head hurts. Sobrang sakit. Agad akong kumuha ng gamot sa bed side table ko at ininom iyon. Fvck that liquors.

Tumayo ako and I saw my eyes are swollen. Sht! Did I just cried the whole night? I look so terrible. Di ko ganong maalala yung mga ginawa ko kagabi. Basta ang alam ko naglasing ako.

Fvck! Bat ba ako naglasing? Wala akong maalala.

Naisipan komg maligo pero nagsuot pa din ako ng pajama at sando. Nakita ko pa sa mini bar ko yung mga bote ng brandy. What did I have just done? Ganto ako lagi, sa sobrang lasing ko eh hindi ko maalala ang ginawa ko yesterday.

Basta may isang bagay akong makita, maalala ko naman pero sa ngayon, parang wala talaga akong maalala. Ang alam ko lang naman kasi kapag sumasakit ulo ko kapag nagigising ako eh lasing ako.

Napatingin ako sa pinto ko nang marinig kong may nag-doorbell. Ang aga-aga pa kaya para may mambulabog sa akin. At walang kumakausap sa akin dito kaya sino ba to?

Binuksan ko yung pinto at medyo naatras pa ako nang makita ko si Felicity na nakatayo don. Nakasuot ng pants at plain red tshirt. Nakalugay yung buhok niya. At bigla kong naalala kung baket ako naglasing. Napahawak ako sa dibdib ko. Eto na naman.

"N-Nick"

"S-Saan ka pupunta? Ihahatid na kita"

"W-Wag na! M-Mukhang wala kang tulog at pagod ka. Magpapaalam lang ako dahil mag-eenroll lang ako sa law proper ko"

"Ihahatid na—"

"Wag na. Pupuntahan na lang ulit kita dito. Saglit lang naman ako"

"O-Okay. Ingat"

Isasara ko na dapat yung pinto ko pero pinigilan niya.

"Sorry kung naungkat ko yung tungkol don", sabi niya kaya agad akong napailing.

"D-Don't talk about that. Mag-enroll ka na", sabi ko at umalis na sya. Nakita kong sumakay sya ng elevator kaya sinara ko na yung pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko. Alam ko na kung baket ako naglasing. Alam na alam ko na pero parang naubos na yung luha ko.

Naalala ko yung nangyari sa amin two years ago.

♠Felicity Lace

Napahawak ako sa batok ko nang makasakay ako sa elevator. Di ko alam pero nakaramdam talaga ako ng guiltiness nung sinabi ko kay Nick yon.

Sumakay agad ako sa taxi at pumunta sa university. Sana magkita kami nila Fairen at Flakes. Kahit lang si Kuya Flint. Namimiss ko na sila pare-parehas eh.

Nakarating naman agad ako at inayos ko yung sukbit ng bag ko sa balikat ko. Medyo madaming tao dahil enrollment ngayon.

Paakyat na dapat ako sa building kung nasaan yung Dean's office pero nagulat ako nang may tumawag sa akin.

"Kuya Flint!", sigaw ko at niyakap agad siya. Niyakap nya din ako.

Kumalas ako yakap at kinurot sya sa pisngi.

"Akala ko di ka mag-eenroll. Pagagalitan na dapat kita eh", sabi nya at ginulo yung buhok ko.

"Pwede ba yon? Kailangan matapos ko yung pag-aaral ko no"

"Kamusta na kayo ni Nick? Kayo na ulit?", sabi nya at tumaas-baba pa yung kilay niya.

"Ewan ko sayo Kuya. Assignment okay? Yung dalawa asan?"

Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon