Chapter 33: Deciding

1.3K 37 0
                                    

Felicity Lace

Sinama ko yung apat dahil welcome naman na sila sa FLP. Actually, Daven, Hermie and Georgina got a temporary contract for being a secret agent. Kaya laging nakatambay na din sila sa FLP.

Kanina pa kami nandito at medyo tahimik, wala kasi yung mga pinsan at Kuya ko. Lahat nasa meeting pa. At kasama ko pa din yung apat. Pinapractice ko yung sasabihin ko kila Kuya.

"Wag kang mag-prepare. Bibiglain mo nga sila di ba?", sabi ni Georgina. Di ko alam pero kabang-kaba talaga ako bago pa lang pumunta dito.

"Ano bang kinakakaba mo? Ang di tanggapin ng mga Kuya mo si Nick o yung hindi ka matanggap ni Nick sa kung ano ka talaga?", tanong ni Hermie.

"Di naman malalaman ni Nick kung ano ako"

"I think, that's a bad idea. Kung ipapaalam mo sa mga kuya mo kung ano yung sa inyo ni Nick, isa sa kondisyon nila ay ipaalam mo kay Nick mismo kung ano ka", sabi naman ni Gab.

"Bahala na. May rason naman ang lahat ng pangyayari ngayon eh", sabi ko na lang at naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko.

'At the Conference Room, Agent Cold', monitored voice mula sa phone ko. Ginawa na naman ni Kuya Floran yan.

"Guys, dito lang muna kayo. I think tapos na ang meeting nila. It's my own judgement. Papapuntahin ko na lang dito sila Ate Shamie", sabi ko at tumango sila.

Lumabas akong bahay ko at pumunta sa Labyrinths' Office at nagtuloy-tuloy sa Conference Room.

"Good you're here Felicity", sabi ni Kuya Layton.

Kinabahan na ako nang tawagin nya ako sa tunay kong pangalan at lahat ng Kuya ko ay nandoon.

"Ahmmm, Labyrinths lang dapat di ba?", natataranta kong tanong.

"Felicity, explain", sabi na naman ni Kuya Layton.

"K-Kuya..."

"Kung hindi ko pa pipilitin ang Kuya Floran mo na ipakita sa akin ang ChaMera, di ko pa malalaman. Magkakuntsaba pa kayo"

"Kuya wag mo nang idamay si Kuya Floran. Gusto niya lang akong protektahan sa inyo—"

"At may karapatan kami na protektahan ka mula kay Nick"

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

"Kuya, pumunta ako dito para pag-usapan yung personal matter ko, not about my profession. Gusto ko kayong kausapim tungkol sa amin ni Nick. Sasabihin ko naman talaga sa inyo dahil wala naman akong balak na itago sa inyo yon", sabi ko pero bigla lang nag-smirk si Kuya Layton.

"Meron nga ba Felicity? Meron nga ba?", he asked and smirked.

"Kuya, you're starting to doubt me again!", I yelled.

"Masisisi mo ba ako Felicity? Naisipan mo lang kausapin kami dahil pabor na ni Nick. Pero kung di naman sasabihin ni Nick, wala kang balak"

"Why are you being like that Kuya?! Ano bang gusto mong palabasin?!"

"Isang tanong, isang sagot.

.

.

.

Kaya mo bang sabihin kay Nick kung ano ka talaga?"

Feeling ko, nanlamig at namutla yung buo kong katawang dahil sa tanong ni Kuya.

Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon