Chapter 10: Incoming

2.1K 54 0
                                    

♠Felicity Lace

"Good. Kakausapin na lang ulit kita"

"Okay. Can I go now?"

Tumayo na ako at aalis na dapat pero nagulat ako nang may humawak sa braso ko at medyo na-freeze ako sa ganong posisyon.

"Can we get back to the start? Can we be friends again?"

Napalunok ako sa tanong niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko yung sincerity sa mukha nya. Pero agad na namang may bumabalik sa utak ko.

Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa braso ko at nag-bow ako sa kanya.

"Aalis na ako Sir. Magpahinga na po kayo", sabi ko na lang at saka ako lumabas ng kwarto nya.

Tinignan ko yung itsura nya at nakatitig lang sya sa kisame. I don't want to be harsh pero... Nasasaktan pa din kasi ako eh.

Pero sobra-sobra yung ibibigay nya sa akin. Isang condo unit para lang maprotektahan sya. Hindi kaya ibig sabihin non eh talagang may banta na sa buhay nya? Kaya siguro natatakot din sya.

Bumalik ako sa office at nakita kong maraming tao sa basement. Breaktime na pala.

Hinanap ko yung mga kasama ko at nakita ko sila sa isang table. Si Hermie nakasandig yung ulo sa mesa, si Georgina naman eh nakapalumbaba. Si Gabriel naman parang naiistress at si Daven na ang bumili ng pagkain.

"Si Felicity oh", turo sa akin ni Georgina kaya kumaway ako sa kanila.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Hermie.

"Anong nangyayari sa inyo?", tanong ko sa kanila.

Sakto namang dumating na si Daven at nagbaba ng mga pagkain. Mukhang picnic in the table ang gagawin nila kasi madami-dami yung pagkain.

"Sila Sandra nakalipat na sa office", sabi ni Daven at umupo sa tabi ni Gabriel.

Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Hermie at pinukpok nang malakas yung table namin kaya napatingin sa amin yung mga tao.

"I hate her so much. That evil creature!", sigaw nya kaya agad ko syang pinaupo at pinainom ko sya nung nakita kong orange juice at uminom naman sya.

"Wait, that's mine", sabi ni Daven kaya agad na nanlaki yung mata ni Hermie at inilayo yung orange juice sa kanya.

"Maygad! Ano ba yan! Walangya ka talaga Daven!", sigaw nya at pinalo pa sa ulo si Daven.

"Hindi ako ang nagpainom sayo di ba? Si Felicity di ba? Kaya minsan naiisip ko talaga na may gusto ka sa akin dahil ako lagi ang napapansin mo", sabi ni Daven at sumubo ng fries.

"Alam mo ang lakas ng loob mong sabihin yan no? Ikaw ba si Sir Taylor o di kaya si Sir Nick?", sagot agad ni Hermie.

"Manahimik muna kayo ngayon! Kahit ngayon lang! Gusto kong makapag-isip ng matino!", sigaw ni Gabriel kaya natahimik sila. So nakakatakot pala syang magalit.

NAKABALIK na kami sa office at kumpleto na yung team ni Sandra.

Agad umupo sa mga cubicle yung mga kasama ko at kami naman ni Sandra eh nagkatitigan lang. Nginisihan ko sya at inirapan nya ako. Talo agad sya.

Pumunta ako sa cubicle ko at nakatayo pa din sya.

"I think it's your time na ipakilala mo yung mga ka-team mo", sabi nya sa akin kaya agad akong tumayo at ipinakilala yung apat.

Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon