♠Felicity Lace
Pagkabigay sa akin nung damit ni Tita, pumasok na ako sa cr nung guest room. Naligo na ako at sinuot yung mga damit.
Napatingin ako sa suot ko. Yung mga suot ko ngayon, di ko aakalain na andito pa din sila. Kaya parang gusto kong maniwala sa conclusion sa utak ko na hindi pa nga nakakalimot si Nick sa past namin. Pero ayaw ko na talaga. Ayaw ko nang balikan yon.
Lumabas ako ng cr at nagulat pa ako nang makita ko na nasa loob si Nick at nakaupo sa sofa. Nakaupo sya doon at may binabasa sa folder.
"Pumasok na ako dahil walang sumasagot—"
Napatigil sya nang tumingin sya sa akin. Napakunot naman ang noo ko at biglang napairap. Fine, I'm wearing a short na sobrang ikli na masyadong expose yung hita ko. Tapos naka-tshirt ako na color red .
"Baket ka andito? I thought you're resting", sabi ko at lumapit sa mga gamit ko at inilabas yung mga gamit ko.
"Di ka ba magpapalit ng short mo?"
Napatingin ako bigla sa kanya dahil sa tanong niya.
"What's wrong about this? Wala naman akong pamalit at nakakahiya kay Tita Gretha. Di ka naman—"
"Di na ako sanay na ganyan ang suot mo"
Napatigil ako sa sinabi nya at lalo ko lang syang tinitigan.
"I can't get over about what happened two years ago. Kasi pimagsisihan kong... I regret to... To break your heart"
Humarap ako sa kanya at tumayo na sya. Lumabas sya ng kwarto at ako naman, puzzled pa din sa mga sinabi nya. Napahawak ako sa dibdib ko. Why am I reacting like this?
Nagsimula na akong gumawa nung nga pinapagawa nya pero di ako makapag-concentrate. Di ko sya maintindihan.
Napatingin ako sa labas ng bintana, malakas pa din ang ulan. Medyo nilalamig ako kaya kinuha ko yung kumot nung kama at ibinalot ko sa akin. Tinignan ko yung oras. 11:00 na pala ng gabi.
Patapos na ako pero feeling ko, may mali ako sa ginagawa ko. Kaya naisipan kong magpahinga muna at humiga ako sa kama. Tumingin ako sa kisame at bigla akong may naalala dahil sa sofa na nakita ko kanina. At sa mismong suot ko ngayon.
-FLASHBACK-
Nandito ako sa bahay nila Nick. Yung mismong bahay nila. Nagpaalam ako kila Kuya na may group study kami ni Nick. Sinabi ko na nagpapaturo sya sa akin. Una nga hindi pa papayag pero sabi ko, may kasama akong iba. Kahit wala naman talaga. Di pa kasi nila alam na kami na ni Nick.
Kumakain kami ni Nick dito sa dining area nila. 10 na ng gabi at umuulan. Malamig ngayon kaya binigyan nya din ako ng jacket. Sila Tita Gretha at Tito Fred, natutulog na dahil may pasok pa sila sa trabaho nila.
"Ano gusto mong panoorin mamaya?", tanong niya.
"Something squishy", natatawa kong sabi sa kanya.
"Okay. Granted", sabi nya kaya napapalo ako sa balikat nya.
"Joke lang yon! Gusto ko action. Yung mga bida tipong sa Jeremy Renner, Tom Cruise. Yung mga ganon", sabi ko at sumubo ng kinakain namin na niluto nya. Imbento nya lang. Yung mga leafy vegetables pinaghalo nya tapos yung sabaw nya pang adobo. Sarap.
"Agents again?", tanong niya kaya nginitian ko sya.
"Okay fine. Titignan ko kung merong Mission Impossible sa external card ko", sabi nya at sumubo din ng pagkain. Pinunasan ko yung gilid ng labi nya at nginitian sya.
BINABASA MO ANG
Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]
FanfictionThe biggest responsibility is being a SECRET AGENT and taking into my past AGAIN