Epilogue

2.8K 67 3
                                    

Felicity Lace

"3,2,1. Happy new year!"

Agad kaming nagyakap ni Nick at saka nagsimulang sindihan nila kuya yung mga fireworks. Kami naman, may hawak na lusis.

"Happy new year princess"

"Happy new year Red"

Hinalikan nya ako sa noo kaya nangiti ako. Everything is okay now. Sila Taylor ay nasintensyahan ng habang-buhay na pagkakakulong.

Nakausap naman nila Kuya si Nick for keeping me the Office Manager at pati yung apat. Nagsimula na kasing mag recruit ang FLP kaya nasimulan don sa apat. Si Georgina, mas gusto sa Computer Technologist. Yung tatlo, field agent like me. Then, Zeus is now connected in FLP. Kaya if ever na may magbanta ulit sa Zeus, alam na agad namin.

And as for me and Nick, eh di masaya. Lagi kaming magkasama. Dito niya ngang pinili na magcelebrate ng bagong taon sa FLP eh. I feel complete right now.

Nagulat kami nang may sumigaw at biglang nagtawanan si Kuya France at Kuya London. Sila Gab at Georgina naman ay tawa ng tawa din. Mukhang alam ko na ang nangyari.

"Omg Daven! Yes, yes yes!", sigaw ni Hermie at biglang niyakap si Daven. Nagkatinginan kami ni Nick at nginitian nya ako. Daven just proposed to Hermie. Lahat kami kinausap nya. Natulungan pa nga sya ni Kuya Franco at Kuya Franq eh.

"Omg Felicity tignan mo!", sigaw ni Hermie at niyakap pa ako.

"Congrats", natatawa kong sabi. Ang higpit kasi ng yakap niya sa akin eh. Bigla kaming nagtatatalon at masaya din ako para sa kanila.

NAKAUPO lang kami ni Nick dito sa bench sa labas ng bahay ko. Nakasandig yung ulo ko sa balikat nya at nakaakbay naman sya sa akin.

"Di ka pa ba inaantok?", tanong ko sa kanya.

"Di pa eh. Iinom pa kami este maya-maya pa", sabi niya kaya sinamaan ko sya tingin.

"Iinom ka dyan! Sapakin kita, ala-una na ng madaling-araw. Anong oras kayo matatapos ha?!", sabi ko at bigla syang tumawa.

"Sila Kuya Layton may sabi na sumama ako. Mapapagalitan ako kapag di ako sumama", sabi niya at inirapan ko sya.

"Siguraduhin mong pagkagising ko bukas ng umaga, katabi na kita. Dahil kung hindi, papatayin ko kayo pare-parehas ng mga Kuya ko", sabi ko at bigla syang tumango.

'Alfred Nick Petrocas, go in Layton's house. Now. Wag na wag kang sasama Felicity kundi bubugbugin namin si Nick'

Inirapan ko sila at tinignan si Nick. Nakangiti sya at inirapan ko naman sya.

"Siguraduhin mo lang na katabi na kita pagkagising ko", sabi ko at tumayo na. Tumayo na din naman sya.

"Kiss ko muna", sabi niya at agad ko namang syang hinalikan, smack lang.

"Ayan! May energy na ako, promise makikita mo ako pagkagising mo", sabi niya at ngitian ako.

Binuksan ko na yung pinto at bago ko isara ay bigla nya akong tinawag kaya humarap ako.

"Good night princess", sabi niya at nag-flying kiss. Inabot ko naman iyon at inilagay sa bibig ko.

"Good night din Red. Umuwi ka kaagad ah", sabi ko at bigla syang tumawa.

'Alfred Nick, mamaya na landi. Makakatabi mo din naman yung pinsan ko mamaya pagbalik mo dyan. Nakahanda na dito yung iinumin. Ikaw na lang hinihintay namin'

Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon