♠Felicity Lace
Nagising ako na sobrang bigat ng nararamdaman ko. Di ko alam kung literal ba o talagang masama lang pakiramdam ko. Tatayo na dapat ako pero naramdaman ko na magkadikit yung kamay ko. Sht! Nakatali ako.
Gusto kong punasan yung mata ko dahil sobrang itim ng nakikita ko. Pero wala akong magawa. Pinakiramdaman ko yung sarili ko, inaalala ko lahat.
Nakipag-away ako doon sa lalaki sa hypermarket and... I just tranquilized. Baka nakuha na nila ako. Wala akong kahit na anong gadgets na dala, kundi yung singsing na binigay at suot ko.
"It's already 4 in the morning. At alam kong naghihimutok na sa galit yung mga kapatid ni Felicity sa pagkawala nya"
Napalunok ako. So tama pala yung manuscript na ipinakita sa akin ni Kuya Franco. Di muna ako gagalaw para akalain nilang tulog pa din ako. I need to know something. Para talagang mapatunayan ko yung ipinakita sa akin ni Kuya.
"I know. At alam kong anytime ay sila na ang susugod dito"
Kinilabutan ako. Tama nga sila Kuya. Tama nga sila.
.
.
.
Na lahat ng pinaghihinalaan namin, lahat sila gustong pumatay sa amin.
Naramdaman kong marahas nilang tinanggal yung piring ko at nakita ko ang demonyong itsura ni Taylor.
"You're awake", sabi niya at ngumisi. Kinikilabutan ako sa nakikita ko. Nakapaligid ako sa limang demonyo. Taylor, Frederick, George, Heremia at Ylondra.
"Iwan nyo muna kami", sabi ni Taylor at iniwan nila kami. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"I'm glad na madali ka naming nakuha", sabi niya at ngumiti. Kumuha pa sya ng isang monoblock chair at umupo pa sa harap ko.
"What's your problem Taylor?"
Kinilabutan ako nang tumawa sya ng malakas. It's like an evil laugh. Literal na evil dahil demonyo ang nasa harap ko.
"Me Felicity? Gusto mo talagang ikwento ko?", sabi niya at nginisihan ako. Di ako sumagot at sinamaan ko lang sya ng tingin.
"At first, masaya na akong nasa akin ang atensyon ni Nick at Aldrin. Noong college tayo, masaya akong laging kasama ako ni Nick and I'm the so-called bestfriend. Kaming tatlo ang laging magkasama. But then, it changed when you came into our life. Una nagalit ako kay Ford dahil sa gusto nyang ipagawa kay Nick but somehow, thankful na din ako dahil nasira ang buhay nyong dalawa. At doon bumalik si Aldrin at Nick sa akin", sabi niya at nginisihan ako.
"You're obsessed gay. Nakakadiri ka", sabi ko kaya nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sa kanya.
"Yes I am. Kaya nga nang bumalik ka sa buhay nila, doon nag-alab ulit yung galit ko. Nagalit ulit ako sayo. Pero ititigil ko naman kung babalik si Nick sa akin pero ikaw ang pinili nya kaya eto ngayon. Ang saya di ba?", sabi niya at ngumisi.
"Ano bang problema nyo?! Bakla ka!", sigaw ko at pinisil nya yung mukha ko gamit ang isa nyang kamay.
"Oo bakla ako! Pero muntik ka na din namang mahulog sa akin di ba? Kasama sa plano ko ang guluhin ang utak nyo—"
"I will never be confused when it comes about my feelings towards Nick", diretsa kong sabi kaya nakatanggap na naman ako ng sampal.
"Ganon? Ganon ba? Let me tell you about the whole story. Kaya ko ginagawa to dahil gusto ko, lahat ng lalaki sa buhay mo ay makuha ko. Si Frederick at George ay maghahati ng kayamanan ni Nick kapag nawala sya. At gusto ka ding makuha ni George. Si Ylondra naman ay gustong makuha si Gab at si Heremia, gusto nya si Daven. All of us do have a reason", sabi niya at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]
FanfictionThe biggest responsibility is being a SECRET AGENT and taking into my past AGAIN