Chapter 46: Impromptu

1.4K 37 0
                                    

Felicity Lace

"Why did you contact them? Nawalan tuloy tayo ng oras", sabi niya pagkabalik ko galing labas. Hinatid ko sa labas yung lima.

"Ang drama mo naman Nick. Eto na nga oh, tayo na lang dalawa", sabi ko at tumabi ulit ako sa kanya.

"How's it going?", he asked kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?", I asked.

"Nung tulog ako. Anong mga nangyari? I mean, sayo lang kasi laging focus yung pakikinig ko", sabi niya kaya nangiti na din ako.

"First day, di ako ganong nag-iistay dito at si Tita Gretha ang laging nandito. Di ko kasi kayang makita ka na nakahiga lang dyan tapos hindi ko alam kung kailan ka gigising. I spent that first day crying over. Second day, pumunta ako dito at umiyak lang ako. Tulad ng inaasahan ko non, magkakaroon lang ako ng emotional breakdown non kaya pinauwi muna ako nila Tita Gretha. And it turned out, crying in my whole day again"

"So it seems na nasaktan ka talaga?", sabi niya at naramdaman kong hinahaplos nya yung braso ko.

"Yes. I feel devastated. Third day, I didn't come here. I made myself busy para hindi ko maisip yung masakit na nangyari sayo. I watched the police officers as they interrogate the goons used by the suspects. And nakita ko kung gano katigas yung mga lalaking iyon. Fourth day, I went here again at doon na nagsimula ang araw na lagi akong nagiistay dito. At hanggang sa marating na ang araw na ito na nagising ka", sabi ko at humarap ako sa kanya. "I love you Nick. Don't you ever attempt to leave me again", pagpapatuloy ko at nakita kong ngumiti siya.

"Di kita iiwan. I will never leave you. You're my life now. I love you too", sabi niya at hinalikan ako sa labi. Napangiti ako habang hinahalikan nya ako. Alam ko, I'm safe when I'm in Nick's side.

NAGISING ako dahil feeling ko wala na akong kayakap. At di naman ako nagkamali. Wala na nga si Nick sa tabi ko. Sht! Asan yun?

Tumayo agad ako sa kama at inilibot yung tingin ko. And in my relief, I saw him sitting in the sofa there at kausap si Kuya Franco. At nakatingin sila sa akin ngayon.

"Bakit bigla ka namang babangon? Nakakagulat ka", sabi ni Kuya Franco.

"Akala ko kasi nalaglag si Nick sa kama. Ako lang mag-isa nakahiga"

Nakita kong ngumisi si Nick at tumawa naman si Kuya.

"Bakit ka ba nandito?", tanong ko sa kanya.

"Nick will transfer in FLP's exclusive private room. Kailangan din kasi natin sya for interrigation", sabi ni Kuya Franco. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Aba bakit? Hindi pa maayos si Nick di ba? Hayaan nyo muna syang magpagaling—"

"Okay lang Felicity. For the sake of your assignment", sabat ni Nick.

"Hindi ka pa magaling di ba? Tsaka kailangan mo ng pahinga. Kagigising mo lang kagabi!", asik ko.

"Sa FLP nga sya ilalagay para mas matutukan Felicity. Ano bang problema doon?", sabi ni Kuya.

"Iwan mo muna kami Kuya", sabi ko at nakita ko syang napailing at saka lumabas.

Bumaba ako sa kama at lumapit kay Nick.

"Okay nga lang Felicity"

"Baka kasi mapahamak ka. Hindi pa maayos yung katawan mo. Baka kung anong mangyari sayo"

Suddenly I've Changed (A.S#1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon