Chapter 6

6.7K 179 2
                                    

Maaga akong nagising dahil sa ngayon na talaga magsisimula ang trabaho ko. Hindi pa sinasabi sa akin ni Cattleya kung ano talaga ang magiging trabaho ko, ang sinabi niya lang sa akin kahapon ay hindi ako magtatrabaho sa restaurant niya kung hindi ay sa kanya lang.

"Mag-agahan ka muna, Kate." Sabi ni Mama sa akin nang bumaba ako sa mula sa kwarto.

"Opo."

"Saan ka pupunta, kahapon ka pa umaalis?" Tanong ni Mama sa akin habang umiinom ng kape.

"Ma, nag-apply po kasi ako at ngayon po ang simula ng trabaho ko." Pagsasabi ko ng totoo. Hindi ko na rin kasi pwedeng itago kay Mama ang tungkol dito dahil araw-araw na akong aalis.

"Hindi ba't sinabi kong huwag na muna hangga't hindi ka pa lubasan na magaling?"

"Ma, ayoko naman na tumunganga lang dito sa bahay. Gusto kong makatulong sa inyo ni Papa. Ayokong maging pabigat at dumagdag sa problema niyo. Kaya please po, huwag na po kayong magalit. Gusto ko lang naman po na makatulong." Sagot ko. Matagal akong tiningnan ni Mama at nakikita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba niya.

"Sige na nga. Pero kapag napansin at nakita kong nahihirapan ka ay mag-resign ka, Kate ha!" Sabi ni Mama sa akin na siyang ikinangiti ko. Tumayo ako sa upuan ko at agad na niyakap si Mama saka hinagkan ang pisngi nito. "Siya, siya, kumain ka na at baka ma-late ka pa."

Sinunod ko ang sinabi ni Mama sa akin at bumalik sa pagkain. Nagtanong si Mama sa akin kung saan ako magta-trabaho kaya sinabi ko na sa isang restaurant. Alam kong magtatampo si Mama sa ginawa kong pagsisinungaling pero hindi rin pwede na sabihin kong magta-trabaho ako sa may-ari ng restaurant na pinag-apply-an ko dahil maraming follow-up questions si Mama na baka hindi ko masagot, hindi ko pa naman alam ang magiging trabaho ko, ang alam ko lang na kay Cattleya ako magta-trabaho.

Nagpaalam na ako para umalis pero nang makalabas ako ng bahay ay bumungad sa akin ang nakaparadang itim na kotse sa tapat ng gate namin. Agad akong pumunta doon para tingnan kung sino ito at kinatok ang tinted na salamin nito. Hindi naman ako nabigo dahil sa pagbaba ng salamin at bumungad sa akin ang may-ari ng kotse..

"So you're back, huh?!" Saad ng babae nang maibaba na niya ang salamin ng kotse. Awtomatikong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya o baka namali lang ako ng dinig. Nagulat ako nang bumaba ito mula sa kotse at tumayo sa harapan ko.

Tiningnan ko ang babaeng nasa unahan ko, maganda, blonde ang buhok, naka-make-up, halatang napakamayaman at maldita.

"I won't let you get away this time, bitch! Hindi ko hahayaan na makuha mo pa ulit ang pag-aari ko! Ang akin ay akin, tandaan mo 'yan, Kira!" Galit na sabi niya sa akin. Hindi nga ako nagkamali, maldita nga. Hindi na lang ako sumagot sa kanya at blankong tiningnan ito dahil hindi ko alam ang pinagsasabi niya.

Nanatili lamang akong tahimik at nakatingin sa kanya. Kung nakakamamatay lamang ang tingin ay pinaglalamayan na ako ngayon dahil sa mga tingin na binabato niya sa akin. Lumapit ito sa akin at agad na hinawakan ang panga ako, mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin pero hindi naman ito gaanong masakit.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa inasal niya. Siya pa ngayon ang may ganang magalit dahil sa ginawa niya. Mga tao nga naman ngayon, ang kakapal na ng mukha!

"Wala ka ng babalikan, tandaan mo 'yan!" Sabi niya at agad na pumasok sa kotse at inutusan ang driver ng sasakyan niya na umalis. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya na papalayo at inalala ang sinabi niya.

Kilala niya ba ako? Kilala ko ba siya? Ako ba talaga ang pakay niya o napagkamalan niya lang ako kagaya ni Cattleya.

Tinawag niya ako sa pangalan na Kira at sinabing wala na akong babalikan at hindi niya na hahayaan na makuha ko ang pag-aari niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bigat na naramdaman ko bigla at hindi ko alam kung bakit.

Napabuga na lang ako ng hangin at hinila ang buhok ko. Naiinis ako sa ginawa niya at sa sarili ko, hindi man lang ako nakasagot sa babeng iyon!

"Bakit andito ka pa?" Agad akong napalingon sa aking likuran at doon ko nakita si Mama na nakasuot na ng uniporme niya. "Umiiyak ka ba, Kate?"

"H-Ha? Hindi po, Ma." Sagot ko at agad na napahawak sa pisngi ko.  Sandali akong natigilan dahil sa namamasa ang aking pisngi.

"Eh, ano 'yan?"

"Hindi ko po alam. Baka nakalimutan kong magpunas ng mukha." Sagot ko kay Mama at ngumiti at inaya ito na umalis na para sabay na kaming umalis. "Tara na po."

Pasado alas otso na ako nakarating sa sinabing address ni Cattleya kagabi. Sabi niya bandang alas dies kami ng umaga magkikita rito at dahil unang araw ko sa trabaho ay talaga sinadya kong makarating ng maaga.

Iginala ko ang buong paningin sa lugar, nasa lobby ako ngayon ng isang hotel. May iilang bench akong nakita pero pinili kong umupo sa sofa set na nasa malapit sa entrance ng hotel para makita ko agad si Cattleya.

Suot ko ang binili niya kahapon. Above the knee ang dress na suot ko at kulay pula. Sa restaurant ako dumiretso kanina para magbihis dahil baka magtaka si Mama kung saan ko nakuha ang damit na isinuot ko, doon ko na rin nilagyan ng make-up ang mukha ko at iniwan ang mga gamit ko.

"Excuse me," Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at isang pares ng kulay tsokolateng mata ang bumungad sa akin.

Nakatingin lamang ako sa susunod na sasabihin ng lalaki. Habang nakakatitig ako sa kanya ay pansin ko na may bahid ng pagkagulat ang reaksyon nito nang lumingon ako sa kanya.

"Louise?" Bulong nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

Sold to a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon