Chapter 21

3.5K 117 8
                                    

Argh, damn it! Ang sakit talaga ng ulo ko, naka-inom na ako ng gamot pero mukhang hindi tumatalab!

“Kate, aalis na ako! I-lock mo ang pinto kapag aalis ka!” Sigaw ni Mama mula sa ibaba kaya sumagot ako nang pa-sigaw dahil hindi ko na kaya pa na bumaba para ihatid si Mama sa labas ng gate.

Hinila-hila ko na ang buhok ko kanina para maibsan ng kaunti ang sakit pero mas lumala lamang ito. Ugh, shit!

Inabot ko ang cellphone na nasa bedside table ko para tawagan si Doc dahil maliban sa sarili ko ay walang nakakaalam sa iniinda ko ngayon. Si Doc na lang ang tanging mahihingan ko nang tulong. Ilang ring pa ay agad na nitong sinagot ang tawag ko kaya naman ay agad ko nang sinabi ang address ko.

Nahihilo at umiikot na ang paningin ko. Kailangan ko na naman na uminom ng gamot dahil kaninang ala-sais y medya pa ang huling inom ko.

Pinilit kong bumangon kahit pa na hindi ako masyadong makatayo. Nang makuha ko na ang balanse ng katawan ko ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa may pinto.

“Shit!” Anas ko at agad na napakapit sa seradura at napasandal sa dingding.

Kaya ko ito! Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Umiikot man ang paningin ko ay dire-diretso lamang ako sa paglalakad habang ang dalawang kamay ko ay nasa malamig na dingding para igiya ang sarili ko.

Cattleya, please tama. Hindi matutuwa si Crysanti sa mga ginagawa mo. If you want to avenge her, fix yourself!”

“I will make them suffer, Louise! They took the life of my twin and they'll pay it with their lives!”

Agad akong napahinto at napahawak sa ulo ko nang may may biglang nag-flash na mga imahe at senaryo sa isipan ko at kasabay nito ay ang paglala ng pagsakit ng ulo ko.

“But please, bago mo gawin ang bagay na iyan ay magpagaling ka na muna, Cattleya. You've got deep wounds and long cuts.”

“Fine!”

“Argh, damn it!” Sigaw ko habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa aking ulo.

This is too much!

Tita, I need to go! Cattleya needs me!”

Si Cattleya nga ba o si Leonarde?”

Leonarde? Of course not! Si Cattleya ang bibisitahin ko, it's been two years since I went to Italy kaya naman ay miss na miss ko na siya. At saka, habang nandoon ako, na realize ko na ang tanga-tanga ko pala. I am a very stupid woman!”

Sold to a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon