Chapter 25

3.4K 102 4
                                    


I should have known! Shit, ang tanga-tanga ko talaga! Dapat napansin ko na agad na maaaring kasama ni Ryan ang mga lalaking nakasakay sa kotse na hinarang ko!

"What will be the effect of this kung sakaling ito ang ituturok ko sa kanya?" Tanong ni Ryan sa isang lalaking hindi ko kilala. Nakatali ang dalawang kamay ko sa aking likuran at umiikot pa rin ang aking paningin. Nahihilo pa rin ako dahil sa nasinghot ko kanina at gusto kong sigawan si Ryan pero may nakadikit na duct tape sa bibig ko.

"This downer or this narcotic drugs produces drowsiness when administered to a body. It suppress the vital functions especially on the person's brain."

"What about that one? Is that a marijuana?" Agad akong kinabahan dahil sa narinig ko.

Are they planning to administer that drugs on me?! Hell no! Hindi ako papayag!

"Yes, a psychedelic drug or what we called hallucinogens. Its a mind-altering drug. At ito talaga ang ginagamit namin sa mga babaeng dinadala ng ilan dito sa lugar na ito para ibenta. At sakto lang talaga ang pagpunta mo rito dahil kaka-deliver lang ng supplier natin. Naubusan kasi noong isang araw kaya napilitan kami na itaas ang dosage ng morphine para siguradong walang takas."

"Okay, administer that drugs on her and double the dosage. Ayokong mapahiya dahil sa babaeng iyan at mas lalong ayokong mawalan ng pera. I've been waiting for this event pero napaka-pakipot ng bwisit na bababeng iyan!” Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Iyong mga pinapakita niya sa amin ni Mama, all of those gesture were all lies! She fooled us, niloko niya si Mama!

“Mmmmmm. Mmmmm.” Lumapit si Ryan sa akin at agad na hinawakan ng mahigpit ang panga ko.

“Kaya nga pinalagyan ko ng duct tape ang bibig mo para hindi ka makagawa ng ingay. And I did that to keep that mouth of yours shut dahil kapag nalaman mo ang gagawin namin you'll be a pain in the ass. And before I forgot, maniningil na pala ako sa utang ng pamilya niyo. You see, you are worth millions or billions kaya sapat na iyon para mabayaran mo ang perang inutang ng Mama mo para mapagamot ka at para mabayaran na rin ang mga oras na nasayang ko dahil sa pag-labas at pag-pasok ko sa hospital. You see, you're a good catch. Maraming magbi-bid sa'yo and I am sure of that.” Agad akong natigilan dahil sa nalaman ko. Inutang nila Mama at Papa ang pinanggamot nila sa akin and all this time I thought the Governor helped us by giving money.

And that also explains why Ryan is always with me noong mga panahon na nasa hospital ako at nang makalabas ako. He did it on purpose because he had a plan and that is to sell me!

Fuck him!

“Dumating na ba ang kasama ni Miss Vondagi?" Agad akong nagulat dahil sa narining ko mula kay Ryan. Vondagi? Si Antonia? Kasama niya si Antonia? Iyong babae na narinig kong nagsalita kanina, could it be her?

"He'll arrive a day before the program."

"Good. Then inject those drugs on her and make sure to tie her both hands and legs tightly before administering it to her. Mag-ingat ka sa babaeng iyan, that woman is feisty!"

"Okay."

Nakita ko ang paglabas ni Ryan sa pinto at tanging itong lalaki lamang na may hawak na syringe ang kasama ko maliban sa mga babaeng walang malay na nasa sahig at sa palagay ko ay alam ko na ang nangyari sa kanila. They were drugged!

"Tell me, anong ginawa mo sa lalaking iyon at dinala ka niya rito?" Tanong ng lalaki sa akin at agad na tinanggal ang tape sa bibig ko na siyang ikinapikit ko dahil sa hapdi.

"Wala akong ginawa sa kanya! Can't you see? He's the one who did something to me! Dinala niya ako sa lugar na ito and God knows where is this place!” Sagot ko sa lalaking nasa aking harapan. Yumuko ito ng bahagya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. Gustuhin ko man na pumalag pero wala rin naman saysay.

“She's right, kamukha mo nga siya. The way you talk and how you stare at your foe. Pero parang hindi rin, eh, kasi ang tanga mo! Harangin ba naman ang kotse ni Miss Vondagi! Tsk!”

“I'm tired of that shit! And for the last time, I am not like her and I am not her!”

“Really? Dahil kung hindi, hindi gagawa ng paraan ang babaeng iyon para mawala ka sa landas niya. You see, she really wants to get rid of you.” Aniya na siyang ikanakunot ng noo ko.

“You mean, Antonia?!” Tanong ko pero nagkibit-balikat lamang ito. “Tell me, si Antonia ba?”

“It doesn't matter kung si Antonia o hindi ang tinutukoy ko dahil wala rin naman saysay kung sasabihin ko.”

Damn! Ano ba ang kailangan ng babaeng iyon sa akin?! Hindi pa ba sapat iyong ginawa niya sa akin sa hotel?! Kapag nalaman kong isa siya sa dahilan kung bakit ako nandito ay hinding-hindi ko siya mapapatawad!

“Let's get to business, darling!” Agad akong napatingin sa hawak niyang syringe. “Hindi ito masakit, parang kagat lang ito ng langgam and after that you'll feel nothing but heaven.”

Shit!

“Huwag kang lalapit!” Sigaw ko sa lalaki pero mukhang wala yata itong narinig at patuloy lamang sa paglapit sa akin.

Ngumisi ito sa akin at agad na dinampi ang dulo ng karayom sa balat ko pero bago ko pa man niya ma-iturok ito sa akin ay sinipa ko ito ng malakas na siya dahilan para mapalayo ito ng bahagya sa akin at mabitawan ang syringe na hawak niya.

Pinilit kong tumayo at ibalanse ang katawan ko dahil nakagapos sa likuran ko ang aking dalawang kamay. I heard him cussed pero hindi ko ito pinansin hanggang sa tuluyan na akong makatayo.

“Fiesty, he is right! Palaban ka kaya palagi kang nasasaktan. Kagaya nang ginawa mo noon, lumaban ka para sa inyong dalawa kaya iyan ang nangyari sa iyo.”

“Anong ibig mong sabihin?!”

“Tell me, are you contented of what you are and who you are right now, Kate? Or should I call you Louise?” Agad na kumunot ang noo ko dahil sa turan niya. Anong ibig niyang sabihin? At bakit kilala niya ako?

And the way he asked me seems like he know something. Sino ang lalaking ito? Katulad rin ba siya nina Cattleya, Antonia, at Lee na may alam sa nakaraan ko?

Are you contented of what you are and who you are? The answer is no at alam ko iyon sa sarili ko. This past few weeks, things seems different, way more different from the usual. Hindi kagaya noong wala pa akong maalala at noong hindi ko pa sila kilala.

I want to unsheath, to peel and to dig deeper para mas lalo ko pa na maintindihan ang mga nagbalik kong alaala. I want to know everything from my past dahil nalilito na ako. My past and my present doesn't seem to fit!

“Gotcha!” Agad akong napasinghap nang may maramdam akong kirot sa hita ko. And when I looked down, nakita ko ang lalaking may tinurok sa hita ko.

“Shit!”

“Don't worry, Louise. This is just a depressant and some sort of hallucinogenic drug, you'll feel drowsiness any minute from now. It's just a minimal dosage kaya hindi ito magiging malala, I still value my life and my loyalty is still with the Kryos. I'll keep you safe hanggang sa makuha niya ang mensaheng pinadala ko. By the way, it is nice to see you again, Loki!”

Sold to a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon