Nagdidilig ako ng halaman ng may marinig akong busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay at mula sa likod ay dali-dali akong pumunta sa may gate namin para tingnan kung sino ito.
Isang itim na BMW ang nakaparada sa tapat mismo ng aming bahay ang aking nadatnan kaya naman ay lumabas ako ng gate para tingnan ito.
“Hello Kate!”
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko agad sa may-ari nang makababa ito mula sa kanyang kotse.
“Hindi na ba ako pwedeng bumisita sa kaibigan ng kaibigan ko na kaibigan ko rin?” Balik na tanong ni Joaquin sa akin. “Hindi mo ba ako na-miss? Dahil ako, sobrang miss na miss kita. Dalawang linggo rin tayong 'di nag-kita at pansin ko nitong nakaraan ay hindi na kita nakikitang kasama ni Cattleya. May nangyari ba?”
“Hindi mo na talaga ako makikita dahil nag-resign na ako sa trabaho ko. What do you want? Marami pa akong gagawin, Joaquin.”
“Alam ko at alam kong hindi mo alam na masyado rin akong busy at maraming ginagawa pero heto ako ngayon nasa harap ng bahay niyo binibisita ka. I left all my works undone just to see and check on you, Kate. I'm worried and I miss you.” Saad nito sa akin. Kung ako siguro si Louise o ibang babae ay kikiligin ako pero hindi ako siya at hindi ako kagaya ng mga ibang babae.
Itinatak ko sa isipan ko ang sinabi ni Doc na Dad ni Joaquin noong huling punta ko sa hospital. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin at sa Mama ko dahil maaring malagay si Mama sa panganib dahil lang sa ginawang pagpapanggap ko. At ayaw ko rin na paniwalain ang sarili ko isang kasinungalingan. Alam kong tinaggap ako ni Cattleya hindi dahil sa kailangan ko ng trabaho o dahil sa mga qualifications ko, kung hindi dahil sa kamukha ko ang kaibigan nilang nawawala.
Umasa ako na magiging kaibigan ko sila, na titingnan nila ako bilang ako at hindi si Louise. Alam kong nasaktan ko si Cattleya dahil sa pag-resign ko pero mas lalo ko lamang sasaktan ang sarili ko kapag nanatili ako ng mas matagal sa kanila at mapapahamak lamang ako kapag nagpatuloy pa ako sa pag-papanggap. Napansin ko kasi habang tumatagal ako sa kanila ay hindi na nila ako nakikita bilang si Kate dahil natatakpan na ang pagkatao ko dahil sa palaging pag-tawag nila sa akin ng Louise.
Noong una, gustong-gusto ko na tawagin nila ako sa pangalan na iyon dahil pakiramdam ko ay bahagi ako ng kung anong meron sa kanila pero kalaunan ay napagtanto ko na hindi dapat ako masanay sa mga bagay na hindi naman sa akin dahil darating din ang araw na magpapakita ang totoong Louise at ako na si Kate, ako na nagpanggap bilang siya at pumuwang sa mga bagay na dapat siya ang gumawa ay mawawala lamang bigla sa kanilang isipan.
“Ano ba kasi ang kailangan mo?”
“I told you already that I want to check on you. It's been two weeks and I'm worried kaya pumunta ako rito.” Sagot nito sa akin.
“And why are you worried about me, Joaquin? We just barely met, you don't know anything about me and I don't know anything about you. Hindi tayo gaanong nag-uusap at nag-kikita so stop acting like we knew each other because we both know that we are not. Alam natin pareho na kaya ka umaakto ng ganyan dahil nakikita mo ang kaibigan niyo sa katauhan ko.”
“I'm so sorry if you feel that way but believed me Kate, it's not what you're thinking.”
“But that's what I am feeling and what I am seeing whenever I'm with you people. I embraced being her and even loved being called by her name dahil pakiramdam ko isa na ako sa inyo. But then, I remember that I am not her and I know time will come that she'll show up then I'll be forgotten. And I don't want to be forgotten Joaquin, dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng hindi ka man lang maalala ng mga taong naka-paligid sa'yo. Dahil ako mismo ay sinasaktan ang mga taong mahal ko dahil hindi ko man lang sila maalala. Nasasaktan ako dahil hindi ko man lang maalala ang pamilya ko pero alam kong sila ang mas nasasaktan dahil sa mga nangyayari sa akin.”
“What do you mean by that, Kate? Anong pangyayari ang sinasabi mo? May nangayari ba sa'yo? May sakit ka ba?” Nag-aalalang tanong nito sa akin habang naka-hawak sa magkabilang balikat ko.
Tinanggal ko ang mga kamay niya sa balikat ko at agad na pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko at ngumiti ng mapait.
“Why are you being like this, Joaquin? Why? I don't want to be close to you because of what you did the first time we met but destiny would always tease me and I always end up with you. It was just a short period of time but it feels like forever. Ayokong nakikita ka pero heto ako ngayon kinakausap ka. I don't like you and I hate seeing you. Hindi ko alam pero nagagalit ako sa'yo sa tuwing nakikita kita. Kaya please lang Joaquin umalis ka na. I am not your friend, Louise and I regret pretending to be her, so please, don't bother me anymore. You may go now.” Saad ko at sinara agad ang gate bago pa man makapag-salita si Joaquin at agad itong ini-lock.
Nasabi ko na sa kanya ang mga dapat kong sabihin at napahiwatig ko na sa kanya ang gusto kong mangyari. Pinahid ko ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi at agad na pumasok ng bahay. Rinig ko ang pagtawag ni Joaquin sa aking pangalan at ang pagkalampag nito sa l gate.
“Kate, buksan mo ang gate! I want to talk to you!” Sigaw nito mula sa gate pero nanatili akong nakatayo at nakasandal sa likod ng pinto.
Maliwanag sa akin ang lahat kung bakit ganun na lang sila makitungo sa akin dahil iniisip nila na hindi ako ibang tao dahil sa kamukha ako ng kaibigan nila. Ayokong mamuhay sa ganun na paraan, ayokong akuin ang responsibilidad ng kaibigan nila dahil hindi ako siya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit at para saan ang mga ito pero kapag nakikita ko si Joaquin ay umuusbong ang mga emosyong ayaw kong damhim.
BINABASA MO ANG
Sold to a Billionaire
Tiểu Thuyết ChungSold to a Billionaire. Twin Vengeance Sequel. Travois and Sychilm Story. All Rights Reserved. Credits to FrozenSilver for the cover!