Oh God, ano ba ang nangyayari sa akin?! It's been three days since I was discharge from the hospital pero parang mas lumala pa yata ang kundisyon ko ngayon!
“Hindi ka pa nasisiraan ng bait, Kate. At kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo ngayon sa iyong sarili mo ay malamang masisiraan ka na talaga niyan. So stop pulling your hair for goodness’ sake!”
“Pero Doc, this isn't normal! Paano ko nagawang mag-salita ng lenggwaheng hindi ko naman inaral?! At ang mas malala, kapag galit ako ay lumalabas sa bibig ko ang salitang ag fuck o hindi kaya ay ag fuck tú.”
Kasalanan talaga ito ng babaeng 'yun, eh! Kung hindi niya ako ini-umpog sa semento ay hindi ko mararanasan ang kababalaghang ito! Narinig ko ang mahinang pagtawa ng Dad ni Joaquin kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan nang tingin.
“Pinagtatawanan mo ba ako, Doc?!”
“Stating the obvious, Kate? Anyways, may naaalala ka na ba o napanaginipan?” Tanong nito sa akin kaya agad akong napatigil sa pagto-torture ko kay Antonia sa isipan ko.
“Opo, pero this time mga bata. Dalawang babae at isang lalaki. All of them suffered, lalo na iyong batang nagngangalang Loki at hindi ko alam kung bakit. Hindi iyon ganun ka-klaro pero sapat na iyong mga nakita ko sa panaginip ko para sabihin na nahihirapan sila dahil sa mga dugo at pasa na nakita ko.”
Agad akong napatigil nang maalala ko na naman ang pangalan na iyon. That named was mentioned by the woman who appeared in my dream that appears to be someone I know, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. I really need to find that woman dahil baka siya lang ang makakatulong sa akin.
“It seems to me that it was part of your childhood memories. Wala bang nasabi ang mga magulang mo rito?” Tanong ni Doc sa akin. His question made me remember what my mother told me.
“Yes and something is not right. Parang may mali, dahil nang tinanong ko si Mama noong isang araw tungkol sa nakaraan ko, lalo na noong bata pa ako ay hindi nagkakatugma ang mga ito. I know I shouldn't be concluding things, Doc, but I just can't.”
“Don't pushed yourself that hard, Kate. Everything will come into place. Lahat ng katanungan mo sa iyong sarili ay masasagot. Anyways, may ipapakita ako sa'yo. Alam mo ba kung ano ang markang ito?” Agad akong napatingin sa papel na hawak ni Doc.
Kinuha ko ito at agad na tiningnan ang nakalagay dito. Napatanga ako sandali at agad napahawak gilid ng bewang ko at agad na napatingin kay Doc.
“This—,”
“Alam mo kung ano 'yan?” Tanong nito kaya agad akong tumango.
“This is my tattoo. Bakit may picture kayo niyan?”
“Your tattoo?” Aniya at agad na tumango-tango. “Kailan ka pa nagkaroon ng tattoo? May I see it?”
“Hindi ko alam.” Sagot ko dahil hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng tattoo. Pati ang isang malaking peklat sa katawan ay hindi ko rin alam kung saan ko nakuha.
Agad akong tumayo at inililis pataas ang damit ko at tumagild ng kunti para ipakita ang tattoo na nasa bewang ko.
“Seems like you're a member, Kate. But let's not focus in your tattoo. I know you are aware that Cattleya and her brothers owned an organization. At itong insignia na nakikita mo ay pagmamay-ari nila. And I am curious about you having their insignia embedded in your skin. And as far as I remember, Louise had her tattoo on her waist. Hmm, quite interesting.” Hindi agad ako naka-imik dahil sa sinabi ni Doc sa akin.
Anong ibig niyang sabihin? At bakit niya sinasabi sa akin ang tungkol sa insignia ng organisasyon nila Cattleya?
Anong kinalaman ko sa kanila? At ano naman ngayon kung pareho kaming may tattoo sa bewang? Hindi naman ibig sabihin noon na ako at si Louise ay iisa!“Why are you saying this to me, Doc? Bakit feeling ko sinasabi niyo rin na ako si Louise?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong ito. Kating-kati na ang dila ko para tanungin si Doc dahil halata naman sa mga sinabi niya.
“I am wondering, Kate. It's been a year since Louise went missing. And you having the same face and built, except for your name though, ay hindi ma-iiwasan na mapagkamalan kang si Louise.”
“Stop beating around the bush, Doc.”
“Okay. Still impatient as ever, Miss Santa Maria.” Natatawang saad ni Doc kaya inirapan ko na lamang ito. “Isang taon nang nawawala si Louise at ikaw naman ay nadisgrasya at nagka-amnesia noong nakaraang taon. At wala kang maalala not until you met Cattleya and the others. Tell me, Kate. Is it a coincidence or not? Ang galit ni Antonia sa'yo at ang galit mo sa kanya. Tell me, normal ba na magalit ang isang tao sa babaeng hindi naman niya kilala? I saw your anger that night at the party, Kate. Pain and anger is visible in your eyes. And I want you to tell me if it's normal to hate someone you don't even know.”
Hindi agad ako nakasagot sa turan ni Doc, dahil totoo naman ang lahat ng sinasabi niya. I remained silent dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Magmula noong nakilala ko sila, everything's changed. Nagagalit ako sa babaeng iyon kapag nakikita ko siya o hindi kaya ay kapag naririnig ko ang pangalan niya. May panahon naman na may na mi-miss ako pero hindi ko alam kung sino. May gusto akong malaman pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon dahil hindi ko naman alam kung ano ang gusto kong malaman.
This emotions is driving me out of my sane!
“Kate,”
“H-Hindi ko alam. I don't know, Doc. I don't know! Galit ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit. Whenever I see her face, gusto ko siyang sampalin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil mali. I don't have the right to hurt her—”
“And she doesn't have the right, either. Bakit mo pinipigilan ang sarili mo kahit alam mong kaya mo naman siyang saktan. Tell me, what's holding you back?” Tanong ni Doc sa akin kaya agad akong napayuko.
“Nang araw na iyon, nang tumama ang ulo ko sa semento, a memory flashed in my head. Hawak ko ang larawan niya kasama ang ang isang lalaki at hindi ko alam kung bakit tinitingnan ko iyon. She was with a man, naka-suot ito nang tuxedo habang siya naman ay naka-bridal gown. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki at tanging ang mukha lamang ni Antonia ang naaninag ko. Gusto ko man na manlaban pero inisip ko ang iisipin ng asawa niya at ng anak niya kung meron man.” It was a wedding photo, pero hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Nakita ko ang pagtango ni Doc at ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Is he smiling?
“I think you're starting to remember everything, Kate.” Saad nito sa akin kaya tumango lamang ako. “And please don't forget what I've said the last time. Always be careful dahil ang alam ng lahat ay ikaw si Louise.”
“What do you mean, Doc?”
“You'll know soon.”
BINABASA MO ANG
Sold to a Billionaire
Ficción GeneralSold to a Billionaire. Twin Vengeance Sequel. Travois and Sychilm Story. All Rights Reserved. Credits to FrozenSilver for the cover!