Chapter 19

3.9K 107 13
                                    


That woman named Lee, the language used by people in my dream, Irish Gaelic. Those men  in my dream who is in haste while holding some high-powered guns. Antonia's wedding picture. Those three children bathed with their own blood and bruise all over their body, and my tattoo.

Ang tattoo na mayroon ako ay nangangahulugan na kabilang ako sa organisasyon ni Cattleya. Pero anong klaseng organisasyon? Alam kong hindi ako kasali roon dahil kung kasali man ako ay matagal na sana akong sinabihan ni Cattleya. At ang tanong, paano ko nakuha ang tattoo na ito?

Ang babaeng nagngangalang Lee, saan ko siya mahahanap? Alam kong nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan. Maybe I should ask for Jacques' help.

At si Antonia, anong kinalaman nito sa nakaraan ko? Wala naman akong kilalang Vondagi na kaibigan ng pamilya ko. And if Antonia's part of my past, ibig sabihin noon ay kilala niya ako? Pero bakit Louise ang tawag nito sa akin at hindi Katelyn? Something is not right! It doesn't really fit in the puzzle!

I am a pure Filipino, wala kaming kamag-anak na nasa ibang bansa kaya napaka-imposible talaga! Antonia is an italian if I am not mistaken. And my question is how am I related to her?!

Then this men holding with guns came in the picture and speaking in irish gaelic. Nakapunta na ba ako ng Ireland? At kung titingnan ang estado namin ngayon ay napaka-imposible. My parents couldn't even afford to buy a lot and a house, ticket pa kaya papuntang Ireland?!

I can't grasp everything! Tapos iyong huling sinabi pa ng Dad ni Joaquin. Ugh, ano ba itong napasukan ko?!

But what if I am Louise who was missing for a year? Ugh! Ano ba ang iniisip ko?! I shouldn't think like that. I am Katelyn and I will never be Lousie dahil hindi ako siya. Maybe we have the same face and all but I am not her.

“Maam, mukhang hindi po tayo makakaalis agad. Mukhang may aksidente po kasi.” Agad akong napabaling sa taxi ng driver na sinasakyan ko ngayon at saka tiningnan ang harapan namin.

“Dito na lang po ako.” Sagot ko at ini-abot ko sa driver at agad na lumabas sa taxi.

Malapit na ako sa restaurant ni Cattleya kaya mas mainam na lakarin ko na lang ito dahil kapag hinintay ko pa na maging maayos ang daloy ng trapiko ay mas matatagalan lamang ako.

Habang naglalakad ako ay nakatuon ang mga mata ko sa pinangyarahin ng aksidente. Maraming tao ang nagkumpulan, hindi ko masyadong makita kung may sugatan ba o wala dahil sa mga tao.

“Kawawa naman iyong babae, mukhang na-trap pa yata sa loob ng kotse.” Rinig ko nang malagpasan ko ang isang lalaki.

“Iyong driver ng truck, dead on the spot. Mahihirapan na kunin ng mga awtoridad ang bangkay nung driver dahil naipit at tumagilid ang minamanehong truck nito.”

Agad akong napahinto dahil sa narinig ko mula sa dalawang lalaki. Kinalma ko ang sarili ko dahil unti-unting sumasakit ang ulo ko.

“Bakit ngayon pa?!” Reklamo ko  at agad na hinilot ng bahagya ang ulo ko bago lumakad. Nang makarating ako sa restaurant ay agad akong tumungo sa opisina ni Cattleya at ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa harap ng table niya.

“Anong nangyari sa'yo?”

“Masakit ang ulo ko, patulog muna saglit.”

“Uminom ka na muna ng gamot, Kate.” Saad ni Cattleya pero hindi ako sumagot at umayos na lamang nang higa sa sofa niya.

Gusto kong sabihan si Cattleya na huwag na lang pansinin pero hindi ko magawa. Masyadong masakit ang ulo ko at habang tumatagal ay mas lalo lamang itong sumasakit. At ang mas malala, nakalimutan ko ang gamot ko.

Sold to a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon