I smell money on the entire place. Lahat ng nakikita ko ay puro mamahalin. What would I expect, this party is for businessmen if I am not mistaken. Hindi naman sinabi ni Cattleya kung para saan ito, kahit pa na narinig ko sila ng mga kapatid niya na nag-uusap kanina tungkol dito ay wala akong naintindihan sa mga 'yun. Isa lang ang bukambibig nilang tatlo ang salitang organisasyon na hindi ko rin alam kung anong klaseng organisasyon.
"Are you nervous?" Tanong ng lalaking kasama ko.
"Not really." Sagot ko rito. I just roamed my eyes and let it wandered on the entire place, again. At hindi ko na ma-bilang kung ilang ulit ko nang ginawa ito.
Unti-unti ng dumarami ang mga tao at malapit na rin na magsimula ang event. Hindi ko pa rin alam kung para saan ang event ito pero wala akong pakialam. I am not here for that, I am here for someone that I don't even know and for Cattleya.
Maraming tao ang naka-suits at nakasuot ng magagarang mga damit. If Cattleya didn't gave me this dress, malamang nasa loob lamang ako ng kotse and God knows what will I do to it if boredom strikes at me. Maybe I will make it fly and go home.
"I am bored." Bagot na sabi ko sa kanya habang nilalaro ang wine glass sa aking kamay.
"The party will start soon." Bulong ng katabi ko. Hindi ako sumagot at isinandal na lang ang likod ko sa upuan at humulukipkip.
"Gusto ko nang umuwi. Hindi ko alam na ganito pala ka boring ang mga party ng mga mayayaman." Wala sa sariling tugon ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jacques at tiningnan ako.
"Let's dance." Aniya at inilahad ang kamay nito sa akin.
"Ayoko, nakakatamad." I said but he just laughed at me again and smiled afterwards. Binawi nito ang kamay niya at inilapit ang mukha niya sa akin.
"You know what, you really resembles her. Kung pipikit ako at makikinig lamang sa boses mo ay hindi ako magdadalawang-isip na isipin na ikaw si Louise." Sabi niya at agad na pinikit ang kanyang mga mata.
"What if I am Louise, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Alam kong ikaw si Louise at hindi ko alam kung bakit nagpapanggap ka bilang ibang tao." Sagot nito sa akin at agad na nagmulat ng mata.
"Joaquin!" Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nang makita ko kung sino 'yun ay biglang nanliit ang mga mata ko.
"Antonia," Rinig kong saad ni Joaquin na agad rin na tumayo at lumapit sa babae.
"Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?" Sigaw ng babae at tinuro ako dahilan para maagaw namin ang lahat ng atensyon ng mga taong nandito sa loob.
"Stop it, you're making a scene." Awat ni Joaquin sa kanya pero hindi ito tumigil at linapitan ako.
"Bakit bumalik ka pa?! Dapat binulok mo na lang ang sarili mo sa lugar kung saan ka man nagtungo! Haven't I told you the other day na wala ka nang babalikan?! " Sigaw nito sa akin kaya tumayo na ako dahil sa ginawa niya. Tanggap ko naman iyong sinabi niya na hindi ako dapat nandito dahil iyon naman talaga ang dapat. But her, saying those words to me while I am playing Louise' character and being Cattleya's friend is not so damn good.
"Why I am not supposed to be here, Antonia? At saka hindi na ba ako invited sa mga okasyon na ganito dahil lang sa hindi ako nagparamdam ng isang taon sa mga mahahalagang tao sa buhay ko? May I remind you that I am still part of this organization. And about what you've said, alam mong marami akong babalikan. So why bother said those things when you knew that I will be coming and taking what's rightfully mine." Sagot ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at nagtanong ako kay Cattleya tungkol kay Louise.
BINABASA MO ANG
Sold to a Billionaire
General FictionSold to a Billionaire. Twin Vengeance Sequel. Travois and Sychilm Story. All Rights Reserved. Credits to FrozenSilver for the cover!