Chapter 10

6.1K 156 5
                                    

"Wala ka bang pasok ngayon sa restaurant, Kate?" Tanong ni Mama sa akin habang nag-aayos ng mga damit niya sa aparador.

"Wala po. Sa lunes pa ang trabaho ko." Sagot ko kay Mama na agad niyang ikinalingon sa gawi ko.

"At bakit?"

"Rest days?" Patanong na sagot ko. Alam kong nagtataka si Mama kung bakit dalawang araw ang day off ko dahil wala naman trabaho ngayon na limang araw lang ang trabaho nila sa isang linggo, maliban na lang kung sa gobyerno ka nagta-trabaho. "Balik na muna ako sa kwarto ko, Ma." Pagpapaalam ko, hindi ko na hinintay pa si Mama na sumagot, agad akong tumayo at dumiretso sa kwarto ko.

At nang makapasok na ako ay humiga ako at tinakpan ko ng unan ang mukha ko bago ako sumigaw dahil sa nangyari noong nakaraan. Hindi pa rin kasi ako nilulubayan ng konsenysa ko dahil sa ginawa ko kay Joaquin at nahihiya ako sa ginawa ko, lalo na kay Cattleya. At kahit na anong pilit ko na kalimutan ito ay hindi pa rin mawala-wala ito sa isipan ko.

Mula kasi noong gabing iyon ay hindi ko na matanggal sa isipan ko ang nangyari at iyong mga sinabi at ang mga nagawa ko sa harap nilang lahat na hindi naman kasali sa plano.

I made a big mistake upon agreeing to Cattleya's plan. Akala ko makakatulong ako kay Cattleya pero mukhang pinalala ko lamang ang lahat. Pretending to be Louise was really a bad idea.

"Anak, may bisita ka!" Sigaw ni Mama mula sa ibaba kaya sandaling natigilan ako.

Sino naman ang pupunta sa bahay ng ganito kaaga? Alas nwebe pa lang kasi ng umaga at may bisita na agad? Hindi ba nila alam na may maraming ginagawa ang tao kapag ganitong oras dahil araw ng sabado? Bumaba na lang ako at tumungo sa sala para tingnan kung sino ito at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito.

"What brought you here?"

"Don't you miss me, Kate? It's been a month, you know." Saad nito sa akin. "Oh, before I forgot! I bought this flowers is for you."

"Seriously? Kelan ka pa natutong bumili ng bulaklak?" Asik ko sa kanya at tiningnan lamang ang bulaklak na dala niya.

"Ano ka bang bata ka! Akin na nga 'yan Ryan. Hayaan mo na 'yan si Kate, masaya lang 'yan na nakita ka kaya nagkaka-ganyan 'yan." Singit ni Mama sa amin at agad na kinuha ang bulaklak. "Sige, maupo ka muna, hijo."

"Okay lang po, Tita." Nakangiting sagot nito kay Mama.

"Hindi mo pa rin talaga alam ang salitang ayaw, ano?" Asik ko sa kanya nang tumungo na si Mama sa kusina. Ayaw na ayaw ko talaga sa lalaking ito. I dumped him already pero wala yata sa bukabularyo nito ang salitang sumuko. Pero pasensyahan na lang dahil hindi na mababago ang sagot ko.

This man in front of me is Ryan Romualde, anak ni Governor Gener Romualde. Si Gov. at ang anak niya ang tumulong daw sa akin noong nadisgrasya ako. Dahil eleksyon noon ay humingi ng tulong si Mama sa kanila dahil sobrang hirap na hirap sina at Mama at Papa na hagilapin ang pera noon dahil sa kondisyon ko.

At mula noong makalabas ako sa hospital ay palagi na itong nakabuntot sa akin. Nakahinga lamang ako ng maluwag mula noong hindi ito nagpakita noong nakaraan na siyang ikina-saya ko talaga. Pero ngayon na bumalik na ito ay bumalik din ang inis ko.

"Kelan mo ba ako sasagutin, Kate? Mahigit isang taon na akong nanliligaw pero hindi mo pa rin ako sinasagot." Saad nito sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag sigawan ang lalaking ito dahil nasa malapit lang si Mama at ayoko talagang nandito ito dahil siya palagi ang kinakampaihan nito.

"I already said no, Mr. Romualde. And please, do respect my decision and you're not courting me for almost a year, isang buwan lang iyon dahil hindi kita sinagot agad." Diretsang sagot ko sa kanya. Wala akong pakialam kung nasaktan man siya sa sinabi ko dahil iyon naman ang totoo. Ayaw niya lang tanggapin dahil sa napakataas ng pride nito.

"You may leave now, Mr. Romualdez." Dagdag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin bagkus ay linapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang braso.

"No one ever dared to reject me, Katelyn!"

"May I remind you, Mr. Romualdez that I already rejected you. Not just once but twice." Sagot ko sa kanya dahilan para mas higipitan pa nito ang pagkakahawak nito sa mga braso ko. "Ano ba?!"

"Say yes, Kate and I won't hurt you!" Aniya at mas hinigpitan pa ulit ito ang pagkakahawak sa akin. Nagpupumiglas ako para makawala sa kanya pero sadyang napakalakas nito kumpara sa akin.

"Let my woman go or I'll blow your head up, bastard!"

Sandali akong natigilan dahil sa narinig kong banta. Nagdadalawang-isip ako kung lilingon ba ako o hindi dahil alam ko kung kaninong boses iyon. At hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay namin.

"And who the hell are you?!"

"Have you not heard what I said, earlier? I said let my woman go!" Mariin na sabi niya na siyang nagpalingon sa akin sa gawi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakatayo sa may pintuan.

Damn this perv! He is serious as hell! Joaquin's holding a gun for pete's sake at naka-silencer pa!

"She's my property and get lost!" Sagot nito sa kanya. Binalik ko ang tingin ko kay Ryan at agad na sinamaan ito ng tingin.

"I am no one's property!" Asik ko kay Ryan. Malakas kong winaksi ang mga kamay niya sa mga braso ko at agad na sinuntok ito sa mukha. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon at kung saan ko kinuha ang lakas ko. Ang gusto ko lang ay ma-iparating sa lalaking ito na walang sinuman ang pwedeng umangkin sa akin ng basta-basta!

"That's my girl!" Rinig kong saad ni Joaquin na nasa tabi ko na at hindi ko alam kung paano siya nakapunta agad dito. Napatingin ako sa kanya at ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Magtatanong pa sana ako sa kanya ng bigla itong nagsalita. "Umatras ka na muna, Babe. This bastard needs to know his place."

Babe? Agad akong pinamulahan ng mukha hindi dahil sa pagtawag niya sa akin ng Babe kung hindi dahil sa kawalanghiyang ginawa ko noong gabi sa party.

Shit! Hindi pa ako handang harapin ito!

"Both of you, get out!" Pareho silang natigilan sa ginawa ko at tiningnan ako.

"Kate!" Sabay na sabi nilang dalawa. Inulit ko ang sinabi ko na naging dahilan para umalis si Ryan sa harap ko.

"You too, Joaquin!"

"But Babe!"

"Babe-babin mo mukha mo! Alis!" Sigaw ko at agad na tinulak ito palabas ng bahay bago pa man malaman ni Mama.

"Aalis ako, okay. You don't have to drag me out. May nakalimutan lang akong ibigay." Natatawang saad nito sa akin. I stared at him for a couple of seconds and I regret what I did. "Goodbye, Babe!" Dagdag nito at agad na tumakbo papunta sa kotse niya.

He left me speechless because of what he did. Wala sa sariling napahawak ako labi ko at nang mag sink-in na akin ang lahat ay hinabol ko ito hanggang gate ng bahay.

"Joaquin André Travois! Fuck you!”

Sold to a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon