Tatlong araw na ang nakalipas mula noong nagpunta si Ryan at si Joaquin sa amin. Nagulat ako sa biglaan na pagsulpot nilang dalawa, lalo na kay Joaquin. Hindi ko binanggit ang address ng bahay namin sa kanya maliban na lang kay Cattleya na alam kung saan ako nakatira dahil sa paghatid nito sa akin noong minsan.
"Ma, alis na po ako!" Paalam ko kay Mama, hindi ko na hinintay pa si Mama na sumagot at agad nang lumabas para pumara ng taxi.
"Sa St. Berlin hospital po tayo, kuya." Ani ko sa driver ng taxi nang maka-upo agad ako.
Napag-desisyonan ko na huwag na muna na pumasok sa trabaho at tumungo na lang muna sa hospital. Nagpaalam na ako kay Cattleya at laking pasalamat ko na pumayag ito. Hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan ko dahil ayokong malaman nila ang tungkol sa kalagayan ko. Ang pinagtataka ko lang ay hindi man lang ako nito tinanong kung bakit.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako hospital. Agad kong tinungo ang pasilyo kung nasaan ang office ni Dr. Travois. Hindi ako nakapag-set ng appointment dahil ngayon ko lang napagdesisyonan talaga na pumunta rito.
"Excuse me, may pasyente ba si Dr. Travois ngayon?" Tanong ko sa Nurse doon.
"May appointment po ba kayo kay Doc, Miss?" Tanong nito kaya umiling ako. Sandali niyang tiningnan ang binder niya at agad na tumingin sa akin. "You're lucky, Miss. Wala pong appointment si Doc ngayon. Pumasok lang kayo sa loob, andyan lang si Doc sa loob."
Pumasok ako sa opisina ng Doktor at nakita ko si Dr. Travois na naka-upo sa kanyang swivel chair na may nakalawit na stethoscope sa kanyang leeg habang may sinusulat. Nakatayo ako sa harap ng kanyang lamesa pero hindi niya pa rin ako napapansin.
"Doc?"
"Louise? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa akin na may pagtataka nang makita niya akong nakatayo sa harap ng kanyang lamesa. "Kanina ka pa?"
"Hindi naman po. Kukunin ko lang po sana iyong resulta ng test. At saka, hindi po ako si Louise. Katelyn po ang pangalan ko. Pasensya na po sa ginawa ko sa party, hindi ko naman alam na ganun ang magiging kahihinatnan noon."
"Wala ka pa rin bang naaalala? Akala ko ay nakakaalala ka na dahil sa ginawa mo sa party." Saad ni Doc sa akin na siyang dahilan para alalahanin ko ang nangyari noong gabing 'yun.
Wala naman akong ginawa nung gabing 'yun maliban sa pag-escort ko kay Joaquin at mag-panggap bilang si Louise na kaibigan nila at iyong ginawa ko kay Joaquin na dapat ay hindi ko ginawa. Ugh, damn it! Dapat hindi talaga ako pumayag sa gustong mangyari ni Cattleya. And now that it already happened, for sure I would be doomed.
Nakita ba ni Doc ang ginawa kong eksena noong gabing 'yun sa anak niya? For goodnes sake, Dad ni Joaquin ang kaharap ko ngayon at dahil nandoon siya sa party at siya ang umawat sa amin ay malamang nakita niya talaga ang ginawa ko!
Oh my goodness! What have I done?!
"Hey, are you okay?"
"H-Ha?"
"Are you okay Miss Katelyn?" Tanong ni Doc sa akin. Doon ko lang napansin na nasa harap ko na pala ito. "May masakit ba sa'yo?"
"P-Po, wala po." Na-uutal na sagot ko.
Ghad! Ano ba ang nanagyayari sa akin? Ano ba ang ginawa ko noon at bakit ganitong kahihiyan ang inabot ko ngayon? Kung alam ko lang na anak pala ni Doc si Joaquin ay sana hindi na lang ako pumayag sa gustong mangyari ni Cattleya. At kung napansin ko lang sana na magkapareho sila ng apilyedo at magkamukha sila ni Joaquin ay maiiwasan ko pa sana ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Bakit ba kasi ang tanga ko?
"Okay, then I'll let you know about the result of your test, Kate. Actually, based on the result and from the CT scan you have from Dr. Sanchez before, there's been a clot on your head, right? And you undergo an operation when your in a coma. Well, I must say that they did a great job in your operation because if not, you will not be probably in front of me right now, Kate." Tumango ako sa sinabi ni Dr. Travois dahil iyon din ang sinabi ni Dra. Sanchez sa akin noon.
"And as for your amnesia, Kate, all I can do is to prescribe you a medicine for your headache. And if you remember something from your past please let me know. And please, bring your medicine always. Okay?"
"Pero makakaalala naman po ba ako, Doc?"
"Everyone has the ability to remember everything whenever they see some familiar things. But I have a question for you, Kate. Are you willing to remember everything from your past?"
"Yes."
"Even if it will cause you too much pain to bear?" Sandali akong natahimik bigla at agad na napayuko sa sinabi ni Doc sa akin, as if something strikes at me. Tiningnan ko si Doc na nakatingin din sa akin at naghihintay sa isasagot ko.
"Yes." Sagot ko sa kanya.
Pain always exist in everyone. If remembering my past will make me feel pain due to what happened from my past that I don't even have a hint what was it then I would gladly welcome it than living like an empty shell without knowing what's my life before.
"I see and I know you can overcome with it. And what I've said earlier, about familiar things, you already have them, dear." Saad nito sa akin na siyang ikina-gulat ko.
"By any chance, do you know me? Kilala ba kita, Doc?"
"As much as I want to answer you Miss Santa Maria, but I have to attend and check on my patients. Have a nice day, dear!" Sagot nito sa akin at agad na umalis at iniwan ako sa loob ng opisina nito.
Anong ibig sabihin ng lahat ng sinabi niya? He did gave me a clue about those familiar things at sinabi niya na nasa akin na iyon. Damn, what does he mean by that?
BINABASA MO ANG
Sold to a Billionaire
General FictionSold to a Billionaire. Twin Vengeance Sequel. Travois and Sychilm Story. All Rights Reserved. Credits to FrozenSilver for the cover!