003

1 0 0
                                    

An Isolated Man
Part 003

His side.

Recess. Agad kong kinuha ang phone ko. Hinagilap ko ang number ni Mommy. Nang makita ko, agad kong pinindot ang message icon.

To: Mommy
From: Jameson

Mommy? What's the meaning of this? Diba kinausap niyo na ang professors rito? Bakit inallow pa rin ng advisor namin na paupuin sa tabi ko ang isang babae?

I clicked the send icon. Then I exhaled. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako sa babae. 'Yong nagmamadali kaninang pumasok na pinatabi pa sa 'kin.

Hindi ko siya pinansin. Wala ba siyang baon? Pera? Bakit hindi siya pumuntang cafeteria para kumain?

Mas lalo pang kumirot ang ulo ko.

"ARGH!" napasigaw na ako.

"Uy, ayos ka lang kuya?" tanong na naman niya.

"Can you please don't talk to me? Just leave me alone!" napasigaw na ako.

Nakita kong nagbago ang mukha niya. Parang nasaktan ko siya sa sinabi ko.

Kumuha ako ng ointment at pinahid sa ulo ko. I'm massaging my forehead when I heard someone's sobbing.

Napatingin ako sa babae. Is she crying? What the heck. Mas dumagdag pa ang kirot sa ulo ko.

I don't want to see people crying because of me. Ayokong may masaktan.

Hindi ko na lang siya pinansin. Ayokong magkaroon ng connection sa pagitan namin.

Narinig kong tumunog ang phone ko. May nagmessage sa 'kin. Si Mommy 'ata.

To: Jameson
From: Mommy

Yes anak. Napag-isipan naming kahit isang kaibigan lang ay magkaroon ka. You deserve happiness through friendship.

Agad kong pinindot ang reply button.

To:Mommy
From:Jameson

But why a girl?!

I tapped the send button then put my phone in my pocket. I sprayed few fragrant to hide the scent of the ointment. Lalabas na lang ako kesa makita ang babaeng 'to.

Nalaman ko agad kung nasaan ang cafeteria with the help of the campus map na naka-display sa may hallway. Nakita ko na naman kung paano ako titigan ng mga babae habang dumadaan ako. Naririnig ko pa silang magbulungan ng kung ano-anong bagay.

"Sir, ninety eight pesos po," sabi ng cashier sa 'kin.

Inabot ko sa kaniya ang isang five hundred peso bill. "Keep the change." matipid kong sagot sabay kinuha ang order ko na naka-tray.

Paglingon ko, natigilan ako sa kung sinong kasunod ko. 'Yong babae.

Ini-snob ko na lang uli siya at dumiretso sa table malayo sa maraming tao.

Nagsimula na akong kumain. Biglang tumunog ang phone ko.

To: Jameson
From: Mommy

Is it a girl? Oh well, you're lucky son. It might be you're first love!

I rolled my eyes of what I have red.

An Isolated ManWhere stories live. Discover now