An Isolated Man
Part 011Her side.
Nagising ako bigla. Namalayan kong nasa kuwarto ko na pala ako ngayon. Nakatulog 'ata ako sa biyahe namin pauwi.
Hala, nakakahiya baka naglaway ako do'n.
Biglang may kumatok sa pintuan.
"Eliza?"
Narinig kong may tumatawag sa 'kin. Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Janno na nakaabang sa labas ng pintuan.
"Oh Janno?" sabi ko.
"Ahh, Eliza, hinatid ka nga pala ni Jameson ba 'yon dito kanina." sabi niya.
"Tapos?" tanong ko.
"Ahh, wala, kasi ano eh. . ." sabi ni Janno. Mukhang nag-aalangan sa sasabihin.
"Ano nga?" tanong ko uli.
"Ahh, kayo na ba?"
Nagulat ako sa tanong niya.
"Oo, bakit?" mahinahon kong sagot.
"W-Wala lang." sabi niya. "Sige, goodnight!"
Tinignan ko lang siya habang nagsimulang maglakad palayo sa kuwarto ko.
Parang na-guilty ako. Kasi, siya nauna nanligaw, samantalang si Jameson, kanina lang nagtapat tapos ayun, kami na.
Ang dami rin kasing effort ni Janno. Nariyan at pinaghahandaan niya ako ng almusal paggising ko, tinitinplahan niya ako ng gatasb bago ako matulog, tsaka 'yong natatanggap kong rosas at bulaklak mula sa kaniya.
Haayy, lahat talaga ng ginagawa natin, may kapalit. Lahat ng desisyon natin, may madadamay.
Pumasok na lang uli ako sa kuwarto ko para matulog uli. Pero biglang nag-ring ang cell phone ko.
Tinignan ko ang cell phone ko kung sinong tumatawag.
Si Kuya Lance pala. 'Yong driver ni Jameson. Binigay ko kasi sa kaniya ang number ko para may contact sa 'kin.
"Hello. . ." sambit ko. Hinihintay ang sasabihin ng nasa kabilang linya.
"Ma'am Eliza, n-nasa ospital po si Jameson, inataki po siya ng sakit niya. . ." rinig kong sabi ni kuya Lance.
"ANO?!" nagulantang kong sinabi.
Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam na ganito pala 'yon. Na oras-oras, pwedeng atakihin ng sakit si Jameson. Hindi ko alam na ganito na pala kagrabe ang sakit niya.
Nagbihis ako agad. May kadumihan na rin kasi ang damit ko. Naghilamos ako at agad lumabas ng boarding house para pumara ng taxi.
"Saan ka pupunta? Gabi na ah?" tanong ni Janno. May hawak-hawak siyang kape at nakaupo sa isa sa mga upuan malapit sa gate.
"Pupunta akong ospital." sabi ko.
Napansin kong medyo namumula ang mata niya. Namumugto ito na parang umiyak siya ng balde-baldeng luha.
"Okay." malamig niyang tugon sabay baling sa iniinom niyang kape.
Tinignan ko langbsiya at tsaka binaling ang pansin ko sa daan. Madaming dumadaan na taxi dito sa 'min kasi isa ang kalye namin sa mga dinadaanan ng taxi kapag pabalik na sa kung saan man nila dinala 'yung pasahero nila.
Sumakay ako agad sa taxi. Habang nasa loob, tinignan ko uli si Janno at nakita kong nakatingin siya sa 'kin.
Bumuntong-hininga na lang ako.
YOU ARE READING
An Isolated Man
RandomMasakit mang isiping may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat ng kausap mo, kaibigan mo, kamag-anak mo o kahit kasintahan mo, pwedeng magpaalam anumang oras. Pero gano'n talaga eh. Darating ang kamatayan ng isang tao. Whether you like it or...