An Isolated Man
Part 008His side.
Kahit malayo na ako dinig na dinig ko pa rin ang mga tilian at hiyawan. Siguro tuwang-tuwa na ngayon si Eliza.
Wala na. Siguro hindi kona lang itutuloy ang balak kong panliligaw. Inunahan na ako no'ng Janno ba 'yon?
"Sir, pa'no na po 'yon?" tanong ni Kuya Lance sa 'kin pagkaakyat ko ng sasakyan.
"It's okay." tugon ko.
Muli kong tiningnan ang campus. Kahit sound-proof ang sasakyan ko, ramdam na ramdam ko na masaya ang nangyayari do'n.
Napangiti na lang ako nang mapait. Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Eliza.
Pero naunahan ako eh. Totoo nga talagang nasa huli ang pagsisisi. Dapat no'ng maaga pa sinabi ko na sa kaniya ang nararamdaman ko. Pero torpe ako eh. Masyado akong natakot sa mga possibilities na binubuo ng utak ko.
I can't help but blame myself.
…
"Sir, andito na po tayo sa mansion."
Naramdaman kong may yumugyog sa 'kin. Si kuya Lance pala.
Nakatulog na naman ako sa byahe. Masyadong malalim ang iniisip ko kanina.
"Thanks." sabi ko at kinuha ang gamit ko. Bumaba na akong sasakyanat pumasok agad ng mansion.
Humiga agad ako sa kama ko. Gusto ko munang kalimutan ang lahat. Ang katorpehan ko, ang kaduwagan ko, at ang kabiguan ko. Sinagot na kaya ni Eliza 'yong manliligaw niya?
Siguro oo. Siyempre inunahan niya ako.
"Jameson anak."
Narinig kong may biglang kumatok sa pinto ko.
Binuksan ko agad ang pinto.
"Tuloy ka Dad." sabi ko.
Umupo si Dad sa upuan malapit sa kama ko.
"Nabalitaan kong. . ."
Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Dad. "Opo Dad, hindi natuloy ang panliligaw ko sana. She also have a suitor."
"Really?" sabi niya. "Anong gagawin mo? Mag-gi-give up ka na ba agad?"
"Yeah. Maybe she's not the one for me." sagot ko.
"That's not the right attitude son." sabi ni Dad. "It means that you need to show your feelings as soon as possible. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"
Napatingin ako sa malayo. Maybe Daddy is right. I need to say it. No matter what.
Nang makalabas nasi Dad sa room ko, kinuha ko ang phone ko at ch-in-at si Eliza.
Me: Hey.
Agad na nag-pop ang messege niya.
Eliza: Hello.
I smirked.
Me: Kamusta kanina?
Nag-pop agad ang message niya.
Eliza: Ayun... masarap sa feeling
Nanlumo ako sa ni-reply niya.
Me: Ahh, okay, so kayo na?
Napalunok ako nang pinindot ko ang "send" button. Nag-reply agad siya.
Eliza: Hindi pa.
Ewan ko kung anong magiging reaction ko. Hindi pa daw sila, ibig-sabihin, hindi pa sila ngayon pero baka bukas, sila na.
YOU ARE READING
An Isolated Man
RandomMasakit mang isiping may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat ng kausap mo, kaibigan mo, kamag-anak mo o kahit kasintahan mo, pwedeng magpaalam anumang oras. Pero gano'n talaga eh. Darating ang kamatayan ng isang tao. Whether you like it or...