An Isolated Man
Part 009Her side.
Hindi ako makapaniwala.
Grabe, parang kahapon lang, kinukulit ko siya. Tapos siya hindi ako pinapansin. Kung hindi ako pinapansin, sinusungitan ako. Mag-gi-give up na nga sana ako sa pag-offer ng friendship sa kanya pero alam kong siya ang may kailangan ng taong masasandalan.
Pero nagkamali ako. Akala ko iniitsapwera niya ako at kinaiinisan dahil sa kakulitan ko. Pero 'eto siya nagtatapat ng nararamdaman niya sa 'kin.
Sobra talaga akong nagulat. Pero, hindi lang gulat ang nararamdaman ko. May iba pang gustong sabihin ang puso kong 'to. Pero hindi ko alam.
Naguguluhan na talaga ako ngayon.
Pero ito talaga ang nagpakabog sa puso ko. Sinabi niyang mamamatay siya? Nung una inakala ong nagbibiro siya. Pero. . .pero. . .pero seryoso pala siya.
Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto ko siyang i-comfort. Lahat-lahat ng pag-aalaga gusto kong gawin sa kaniya.
Niyakap ko siya. Hindi ko na ring napagilan ang pag-iyak ko.
Bakit siya pa? Bakit sa lahat ng taong makikilala ko, siya pa ang malapit nang magpaalam. Halo-halo na talaga ang nararamdaman ko.
Mahal niya ako. At mamamatay na siya. Kailangan kong malaman kung mahal ko ba siya o hindi kasi 'onti na lang ang panahon ng buhay niya. Kasi kapag hindi siya tinitibok ng puso ko, at matagal ko pang malalaman 'yon, 'onti na lang ang oras niyang hanapin ang para sa kanya.
May kirot akong naramdaman sa puso ko. Nasasaktan ako para sa kaniya. At the same time, may tinitibok na kung ano ang puso ko.
"Sorry. . ." sabi ko habang iiyak na nakayakap sa kaniya.
'Eto pala ang dahilan kung bakit unang kita namin, nilalayuan niya ako. Na wala siyang taong pinapansin, kundi ang sarili niya.
Gusto ko lang umiyak. Gusto ko siyang damayan.
"It's okay." sabi niya habang hinihimas ang buhok ko.
Tumayo ako nang tuwid. Mali ang ginagawa ko. Dapat, hindi ko siya iniiyakan. Dapat hindi o pinapakita sa kanya na nakakaawa ang kalagayan niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Anong gusto mong gawin? Gala tayo?" masaya kong alok.
Dahan-dahan siyang tumango. Kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako patungo sa sasakyan nila.
"Saan mo balak pumunta?" tanong ni Jameson sa 'kin.
"Ikaw? Hindi kasi ako masyadong gala kaya wala ako masyadong alam sa mga magagandang lugar."
Nginitian lang niya ako sabay tingin sa driver niya gamit ang rearview mirror.
"Sa Mt. Samat po tayo Kuya Lance." sabi niya.
Agad umandar ang sasakyan nina Jameson.
"Salamat. . .Eliza."
Napatingin ako kay Jameson. Nakatitig siya sa 'king mabuti.
"P-Para saan?" tanong ko.
"Sa araw na ito." tugon niya.
Ang lalim pala ng mga mata niya. Kulay brown at bagay na bagay sa mukha niyang maamo. Ang sarap tignan.
"Ahh, okay lang. Wala naman akong ginagawa doon." sabi ko.
…
Mabilis kaming nakapunta sa Mt. Samat. Medyo pataas pala ang lugar at and daan papuntang tuktok ay paliko-liko.
"Andito na tayo." sabi ni Jameson.
Agad naagaw ng pansin ko sa view na nakabalandra sa aming harapan. Napakagandang tignan ng buong lugar mula sa taas. Para bang nasa alapaap ka na.
"Tara, akyat pa tayo." sabi ni Jameson at hinila ako. Napatingin ako sa staris na gawa sa semento. Ang taas no'n at paliko-liko dahil mataas ang tuktok no'n.
Habang umaakyat kami, napatingin ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan na kasama ako. Magkahawak ang kamay namin habang umaakyat kaya 'yong mga taong nadadaanan namin, napapatingin sa 'min.
'Yong iba naman, kinikilig habang nakatingin kay Jameson. Ang lalantod naman ng mga 'to.
Sabagay, guwapo si Jameson. Mukha siyang foreigner pero mababakas mo pa rin sa mukha niya ang pagka-Pilipino.
"Wow. . ." namangha ako sa tanawin na nakita ko. Kung sa baba, maganda na ang view, ngayong nasa taas na talaga kami, mas maganda.
Idagdag mo pa ang Dambana ng Kagitingan na nakatayo. Ang taas-taas at mamamangha ka talaga sa disenyo at mga nakaukit.
"Salamat talaga Jameson, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na tulad nito." sabi ko sa kaniya habang nakaupo kami sa bench na nakatapat sa view.
Medyo madilim na pero ang ganda pa rin ng lugar. Kanina pagkadating namin, maggagabi pa lang. Pero ngayong madilim na talaga, mas gumanda ang view sa dami ng ilaw mula sa siyudad na nasa baba namin.
"Ako. Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo." sabi niya at ngumiti sa 'kin.
Hala.
Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Jameso. Actually kanina pa. Pero, ngayon ko lang napansin.
Ang ganda ng ngiti niya. Hiyang-hiya 'yong ngipin ko sa ngipin niya kumikislap sa ilaw na nasa poste. Kung guwapo siya kahit nakasimangot, ngayong nakangiti na siya, mas lalong tumingkad ang kaguwapuhan niya.
"U-Uy, ngumingiti ka na." sabi ko.
"Siyempre, kasama kita eh. Mapipigilan ko bang ngumiti?" sabi niya.
Kinuha ko ang cell phone ko mula sa bulsa ko. Itinaas ko ito.
"Anong gagawin mo?" tanong niya.
"Magseselfie." tugon ko. "Ngumiti ka uli,"
Tumingin ako sa cell phone ko na naka-front cam. Nakita ko siyang hindi nakangiti.
"Uy ano ba bakit hindi ka ngumingiti?" tanong ko.
"Basta pindutin mo lang ang capture at mas maganda pa sa pagngiti ang gagawin ko."
Nagpout ako at tumingin uli ako sa cell phone. Pagkapindot ko ng capture, dahan-dahan siyang gumilid at lumapit sa 'kin.
Hinalikan niya ako. . .sa pisngi.
Nanigas ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mabilis ang paghalik niya, pero parang bumagal ang mundo ko.
Ang lambot ng labi niya. Parang dinampian lang ng mamon sa pisngi. Pero tumatak 'yon sa balat ko. Nanunuot sa kalamnan ko. At mula doon, may mabilis na boltahe ng kuryente ang gumapang sa buo kong pagkatao.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Napatingin ako sa kaniya. Pagkatingin ko sa mukha niya, bakas na doon ang pag-aalala.
"S-Sorry. . ." paghihingi niya ng tawad.
Agad siyang tumayo para siguro umalis na.
"Uwi na tayo, hahatid kita." sabi niya.
Kumilos mag-isa ang katawan ko.
Agad ding tumayo ang katawan ko. Nagsimula akong humakbang papalapit sa kaniya, at mula sa likuran niya, kinuha ko ang kamay niya.
Pagkatalikod niya, agad akong tumingkayad. At dahan-dahan. . .
Hinalikan ko siya.
YOU ARE READING
An Isolated Man
RandomMasakit mang isiping may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat ng kausap mo, kaibigan mo, kamag-anak mo o kahit kasintahan mo, pwedeng magpaalam anumang oras. Pero gano'n talaga eh. Darating ang kamatayan ng isang tao. Whether you like it or...