An Isolated Man
Part 007His side.
"I'm very sad to say this but, you only have one year left in your life."
Napahagulhol na si Mommy sa sinabi ng personal doctor ko. Nagpa-monthly check up kami ngayong araw. At 'yon nga, na-discover na ni Doc na lumala na ang sakit ko.
"How can we stop it?" umiiyak na tanong ni Mommy kay Doc.
I hate seeing Mommy crying because of me. Kasalanan ko 'to kaya sila nasasaktan.
"We can't stop his cancer, Ma'am. Apparatus can't save his life. The only we can do is. . ."
"Is what?" tanong ni Mommy sa nabitin na sagot ni Doc.
"Is to let him. . .die."
Napahagulhol na naman si Mommy. Pati si Daddy, nakita kong tumulo na rin ang luha. Hindi ako nakakaramdam ng kalungkutan. Ako ang nasasaktan para sa kanila. Dapat kasi, hindi ko na silang lahat nakilala. Para kapag nawala na ako, walang makakaalala sa 'kin.
Walang masasaktan.
Niyakap ko ang mga magulang ko. Masyado na silang malungkot.
"Please excuse." pagpapasintabi ng Doctor at umalis.
"Dad, mom, I have something to say."
Napatingin sila sa 'kin. "What son?" sabay pa nilang sinabi.
"I. . .think, I'm in love. With a girl." pormal kong sinabi.
Sabay na gumuhit ang ngiti sa mukha nila. sila at tumingin sa 'kin.
"Really anak? Who's that girl?" tanong ni Mommy.
"Uhm, remember? My seatmate?" sagot ko.
"Oh my gosh son! You're in love!" kinikilig na sinabi ni Mommy. 'Yong mga luha niya kanina nawala na.
"We will support you son. We will be your number fan of your love team." sabi ni Dad nang nakangiti.
"Thanks Mom, Dad. And, uhm, can I court her?"
Mas lalong lumapad ang ngiti nila.
"Yes! Why not?" sabi pa nila.
Napangiti na rin ako.
"Just tell me anak kung kailan mo balak siyang pakasalan." sabi ni Dad. "Kailangan mo siyang madaliin anak, 'onti na lang ang oras mo. Kung mahal niyo ang isa't isa, gawin niyo na agad ang mga bagay na hindi niyo magagawa kapag nawala ka na. Kasi kami ng Mommy mo. . ." tumingin siya kay Mommy. "Handa na kami Jameson sa pag-alis mo, eh siya? Baka nga hindi niya pa alam ang sakit mo. Just cherish what you have right now. Baka mamaya, huli na ang lahat."
"Hayy naku, ang daming alam ng Daddy mo." napanguso si Mommy at hinampas si Daddy sa braso nito. "Basta ha? Paligayahin mo siya. Huwag mo siyang sasaktan." sabi ni Mommy.
Ang mga salitang iyo ang nagpalakas ng loob ko. Liligawan ko na siya, kahit alam kong masasaktan ko siya sa huli.
Yeah, I'm selfish. Pero 'di ba 'yan ang nagagawa ng pagmamahal? Selfish na kung selfish, pero mahal ko siya eh.
Ngayon, alam ko na ang mga nararamdaman ko ngayon. In love na nga talaga ako. Ako na isang stage four brain cancer patient, nagmamahal ng isang babae.
Akala ko nakalimutan ko nang magmahal. I've never love a person nor have a crush since they discovered that I have a cancer. Masyado kong i-ni-solate ang sarili ko sa iba. Nakakapanibago.
Bukas, Eliza Alexxandra Martinne, sasagutin mo rin ako.
...
Her side.
"Sino ba ang lalaking 'yon ha?"
Napatingin ako kay Janno. Naghuhugas siya ng plato. Ako naman, gumagawa ng assignments. Ngayon ko 'to balak gawin kasi ang daming binigay sa 'min. Para at lease may natapos ako.
Nasa loob ako ng kuwarto. Siya naman, nasa kusina. Magkalapit lang naman ang kusina at kuwarto ko kaya kapag nakabukas ang pintuan ng kuwarto ko, rinig ko siya.
"Kaibigan ko nga. Ilang beses ko bang sasabihing kaibigan ko siya ha? Tsaka bakit mo ba tinatanong? Nagseselos ka ba?" tugon ko.
"Wala lang." sagot niya. "Hindi ako nagseselos, mas guwapo pa ako do'n."
"HUWAW!!" sabi ko. "Grabe, bakit lumakas ang hangin? Nakasarado naman ang bintana ha?"
"Totoo naman ha. Hindi ako nagseselos."
"Weh pero galit ka?" sabi ko.
"Hindi ako galit." sabi niya. Padabog niyang nilagay ang plato sa cabinet.
"O dahan-dahan, baka mabasag mo ang plato. Sayang pa naman 'yan." sabi ko.
Pinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya.
...
Nagising ako ng 5:30am. Binuksan ko ang data ko at nagbukas ng facebook.
Pagkabukas ko ng account ko, bumungad agad ang fifty notifications. Andami naman 'ata ng notif ko eh hindi naman ako nagpost ng sandamakmak kagabi.
Tiningnan ko ang notif.
Jameson Alvarez likes your post.
eight hours agoJameson Alvarez likes your post.
eight hours agoJameson Alvarez likes your post.
eight hours agoJameson Alvarez likes your post.
eight hours agoPuro ganern ang mga nakikita ko habang nagsi-scroll ng mga notifications. Anong nakain ng Jameson na 'to at pinagla-like 'tong mga posts ko?
Biglang may lumabas na chat head ng messenger. Pinindot ko ito para malaman ang message.
Jameson Alvarez
active eight hours agoJameson: Hi.
Napangiti ako.
YOU ARE READING
An Isolated Man
RandomMasakit mang isiping may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat ng kausap mo, kaibigan mo, kamag-anak mo o kahit kasintahan mo, pwedeng magpaalam anumang oras. Pero gano'n talaga eh. Darating ang kamatayan ng isang tao. Whether you like it or...