004

0 0 0
                                    

An Isolated Man
Part 004

Her side.

Ang labo talaga ng lalaking 'to.

Nagagalit kapag sinusundan ko siya. Siya na nga 'tong nilalapotan para maging kaibigan, tapos lalayuan niya ako.

Tapos kanina, iniwan niya 'yung pagkain niya sa cafeteria, tapos hinabol ko siya para ibalik 'yon. Grabe ambilis niyang maglakad. Sabagay, ang tangkad niya.

Pero, no'ng hiningi ko sa kaniya 'yong pagkain, inagaw niya. Bakit? Ang yaman-yaman niya tapos aagawin niya? Ang damot niya naman.

Ano 'yon? May sakit siya?

Eh 'to na naman siya, nag-walk out. Ano nga bang pangalan niya uli? Jameson?

Ahh oo, Jameson. Kay guwapong pangaln. Parang siya.

Pero bakit ba niya nilalayuan ang lahat? Pa'no ko siya magiging kaibigan?

"Alam ko na!"

Kumuha ako ng papel sa bag. Nagsulat ako ng letter para sa kaniya.

Ginandahan ko sulat ko at baka sunigin lang niya 'yon.

Nang matapos ko na ang letter ko, ipinasok ko na sa bag niya.

Biglang tumunog ang phone ko.

1 new message received.

Naku. Siguro si Janno na naman 'to.

Binuksan ko ang message. Si Janno nga.

To: Eliza
From: Janno

Kamusta? Kain ka ng mabuti ha?

Nag-reply ako.

To: Janno
From: Eliza

Sorry wala silang "mabuti"

Tumunog agad ang cp ko.

To: Eliza
From: Janno

Ano?

Hay naku, ang slow niya talaga.

To: Janno
From: Eliza

Wala sabi ko wag ka nang magpulbo ang puti puti mo na.

Lupit rin ni Janno nag-reply agad.

To: Eliza
From: Janno

K.

Aba. Kalalaking tao nagrereply ng "k"?

"CHIME! CHIME! CHIME!"

Tumunog na ang chime. Ibig-sabihin, tapos na ang break. Grabe antagal ng break. Mga isa't kalahating oras rin. Sabagay, almost whole day naman kasi kami sa campus.

Nagsidatingan na ang mga classmates ko. Nagpe-prepare na rin ang professor namin for the next subject.

Dito sa CFP, ang section one, hindi na nagpapalit na room. Dito na kami mula pasukan hanggang uwian. Specialty kasi ng campus namin ang pagsali at pagpanalo sa mga contests, lalo na sa ibang bansa kaya nakabukod na ang section namin.

Dumating na 'yong lalaki, este si Jameson.

"Hello," nakangiti kong pagbati sa kaniya.

As usual, tingnan niya lang ako nang masama sabay harap sa direksiyon kung nasaan si Sir.

An Isolated ManWhere stories live. Discover now