Paano?

267 16 2
                                    

Paano mo bibigkasin ang salitang 'Mahal kita' sa taong wala na?
Paano mo sasabihing 'miss na miss na kita' sa taong nilalayuan ka?
Paano mo sasabihing 'Tama na. Nasasaktan na ako.' sa taong wala namang pakealam sa'yo?
Paano mo pa ilalaban kung ikaw na mismo ang sinukuan?

Nandoon ka, nandito ako.
Wala na ba talagang pag-asa ang salitang 'tayo'?
Ang bilis ng araw, ang bilis ng buwan
Pero heto ako't nananatili pa rin sa lugar kung saan mo ako iniwan
Binigyan mo ng pag-asa, minahal kita ng sobra
Pero heto ako't sinaktan mo lang at pinaasa
Paano ka na, paano na ako?
Paano na ang binuo nating 'tayo'?

Dagat o lupa man ang pagitan
Hindi yun naging hadlang sa ating pagmamahalan
Pero bakit humantong tayo sa ganito?
Bakit ang bilis mo namang sumuko?

Maraming katanungan ang umuukilkil sa aking isipan
Mga katanungang pilit na hinahanapan ng kasagutan
'Saan ako nagkulang? Ano'ng naging hadlang'?
'Bakit mo 'ko iniwan? Bakit mo ako binitawan?'
'Ganoon na lang ba kadaling isuko ang ating pinagsamahan'?

Pero paano ko pa itatanong ang mga katanungang iyon
Kung mag-isa ka nang nagdesisyon
Mag-isa kang nagpasya na tigilan na natin 'to
Mag-isa ka ring lumaya dahil hanggang ngayon nakakulong pa rin ako.
Lumaya ka na, naging Masaya
Pero heto ako't nasasaktan pa rin at nagdurusa.

Paano mo nagawa ito?
Paano mo 'ko nagawang isuko?
Paano ko pa malilimutan
Ang dahilan ng aking kaligayahan?

POETRY COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon