Paglayo

54 6 0
                                    


Naabot na kita pero kay layo mo pa rin

Mistula kang isang bituin na 'di ko kayang abutin

Pero kahit ganun ikaw ang pinili kong ibigin

Ikaw ang pinili kong hanapin

Hahanapin kita sa mundong binabalot ng kadiliman

Sa mundong kahit kailan hindi ko maintindihan

Hahanapin kita sa gitna ng karagatan

Haharapin ang mga alon na haharang sa aking daraanan

Susuyurin ko ang buong mundo

Susugurin ang bawat bagyo

Anuman ang mangyari'y 'di makakapigil

Pagkat kahit'ng tibok ng puso'y walang balak tumigil

Ikaw at ako'y pangarap lang noon

At nananatiling pangarap pa rin hanggang ngayon

Sinuyod ko na ang buong mundo't hinarap'ng lahat ng alon,

Sinugod ang lahat ng bagyo't kinalimutan ang kahapon

Ngunit ang akalang pag-abot sa'yo'y mistulang naging panaginip

Panaginip na lamang, isang kathang-isip

Pagka't walang katotohanan ang ikaw at ako

'siya at ikaw', 'kayong dalawa', 'yun ang totoo

Reyalidad na pilit kong tinatanggi sa sarili ko

Reyalidad na unti-unting pumapatay sa aking puso

Pero ano nga ba'ng magagawa ko?

Wala, maliban na lamang sa paglayo

AFި� 

POETRY COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon