Maligayang pagbitaw sa ating dalawa
Maligayang paglimot sa lahat ng alaala
Pagbitaw at paglimot sa pinagsamahan
Pagbaon sa alaala ng kahapo'y naiwanBinibitawan ko na ang noo'y kinapitan ko
Pagkapit na naging dahilan ng pagkabasag ng puso
Pusong hindi napagod magmahal sa'yo
Ngunit ngayon, mahal, aking napagtantong kailangan ko ng sumukoKailangan ko ng bumitaw sa mga kamay mo
Hindi alintana ang pagdaloy ng dugo
Dugong mula sa sugatang puso
Sugat na dahilan ng pagbitaw ko sa'yoAno pang saysay ng pagkapit ko kung iba naman ang kayakap mo?
Ano pang dahilan ng pagkapit kung binitawan mo na ako?
Kaya, mahal, isa lang ang aking magagawa
Bibitawan ko na, ako'y bibitaw na at sana'y maging masaya ka

BINABASA MO ANG
POETRY COMPILATION
PoetryNagmahal ka na ba? Umasa? Pinaasa? Binitawan? Sinaktan at dinurog? Then this compilation is for you.