Wakas

75 5 0
                                        

Pumatak ang ulan kasabay ng pagpatak ng aking mga luhaMga alaala mong humahabol sa akin ay tila naging tulaIto rin ay naging nobela kung saan winakasan ng ulanUlan na naging bagyo noong ikaw ay lumisanNaguguluhan ako, nalilito kung ano ba ang ilalagay kong wakasWakas sa isang kuwentong nilimot na ng panahonWakas sa kuwentong inalagaan at maingat na sinulat para lang bitawan at wakasan sa huling pagkakataon.


Hahayaan ko bang maging masaya ang aking mga bida?O hahayaan ko silang maranasan ang sakit na aking nadama?Hahayaan ko ba silang mabuhay sa isang pantasya?O hahayaan kong sa reyalidad mamulat ang kanilang mga mata?Hindi ko alam kung ano'ng gagawin koWawakasan ko ba ang kuwento sa paraang alam ko?O hahayaan kong mabasa ng iba ang kasinungalingan ng mundo?Hindi ko alam kung saan ako humuhugot para maisulat itoDahil sa totoo niyan naka-move on na ako 😂


***

PS. Joke lang yung last two lines 😂PPS. Wala ako sa mood makinig sa discussion kanina kaya ayun, nagsulat na lang ng poetry baka sakaling umunlad pa ang ekonomiya ng ating bansa 😂😂

POETRY COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon