Paalam

87 7 0
                                    

Ang dami kong gustong sabihin sa'yo

Paalam sa lahat ng salitang binitawan mo

Paalam sa mga pangakong nanatili na lamang pangako

Paalam sa tatlong katagang binigkas mo noong magkasama pa tayo

Paalam sa lahat ng pangarap na magkasabay nating binuo

Nais kong magpaalam sa lahat ng mga masasayang sandali na kasama kita

Nais kong magpaalam sa mga alaalang nabuo noong ikaw ay aking kasama

Nais kong iparating sa'yo ang pamamaalam ko sa mga bagay na iningatan ko

Nais kong magpaalam sa'yo dahil kahit gusto ko, hindi na pwede, mahal ko

Hindi na pwedeng mabuo pa ang salitang 'tayo'

Hindi na maaaring dugtungan ang sinulat nating kuwento

Ang tula na ginawa natin ay naging awit na walang tono

At kahit gustuhin ko man ay wala ng 'ikaw at ako'

Noon, tinatanong ko sa aking sarili

Tinatanong ko kung bakit ayaw mong manatili

Tinatanong ko kung saan ba ako nagkamali

Pero ngayon naintindihan ko na

Naiintindihan ko ng pinagtagpo lang tayo ngunit hindi tinadhana

Naintindihan ko na ang sinasabi nila

Naiintindihan ko ng hindi tayo ang para sa isa't isa

Gusto kong kalimutan ka

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa

Isang tawag mo lang sa pangalan ko

Di ko mapigilan ang mapalingon sa'yo

Isang beses lang ng pagpaparamdam mo

Di ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko

Di yata'y totoong pagmamahal na 'to

Pagmamahal na hahantong sa pamamaalam sa'yo

Mamamaalam ako hindi dahil sa gusto ko

Mamamaalam ako dahil hindi na kaya ng puso ko

Hindi ko na kayang maghintay pa sa'yo

Hindi ko na kayang paasahin pa ang sarili ko

Masakit, masyadong masakit magbitaw ng pangungusap

Pangungusap na hinugot mula sa napakaraming pangarap

Pangarap at salitang binitawan sa isa't isa

Salitang hinubog ng damdamin ang bawat kataga

Gusto kong bitawan ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin

Mga salitang galing sa aking damdamin

Pero alam kong ayaw mong dinggin

Kaya sasabihin ko na lang na paalam

Paalam at mahal pa rin kita kahit hindi mo alam

POETRY COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon