Malaya ka na, sinusuko na kita
Binibitawan ko na ang namagitan sa'ting dalawa
Malaya ka na, tinatalikuran ko na ang lahat
Ang mga pangakong kailanma'y 'di naging sapat
Sinusuko ko na ang laban
Itatago na lamang itong nararamdaman
Hindi ko na kayang kumapit pa
Kung ang kinakapitan ko'y binitawan mo na
Malaya ka na mula sa pighating tinitiis
Pagtitiis sa isang kasong kaytagal nilitis
Malaya ka na mula sa mga matitibay na rehas
Ngunit sana'y hindi ka na mag-iwan pa ng bakas
Malaya ka na, sinusuko na kita,
Binibitawan at ako'y titigil na
Hindi dahil pagod na ako't hindi ko na kaya
Kundi dahil sa rasong mahal na mahal kita
Ang gusto ko lang ay ang maging Masaya ka
Hindi ko na alintana kung ang dahilan ay iba
Wala na akong pakialam kung nasasaktan ako
Ang batid ko lamang ay ang pagmamahal ko sa'yo
Mahal, sana'y parati mong tandaan kung gaano kita kamahal
Sana'y batid mong isusuko ko maging ang aking dangal
Mahal, Malaya ka na, pinapalaya na kita
Sana'y palayain na rin ako ng nakaraan nating dalawa
BINABASA MO ANG
POETRY COMPILATION
PoetryNagmahal ka na ba? Umasa? Pinaasa? Binitawan? Sinaktan at dinurog? Then this compilation is for you.