Sa ilalim ng liwanag ng buwan,
Sa gitna ng paglubog ng araw ay ang paglundo ng kama
Paglundo hudyat ng aking paglubog,
Paglubog na naging dahilan kung bakit pinili kong lumubog
Ang kama na siyang nagsisilbing kumunoy na humihigop sa akin,
Ang kama na siyang humihigop sa bawat luhang namamalisbis dahilan ng masidhing damdamin
Damdamin na hinubog ng mga alaala,
Alaalang binuo nating dalawa
Damdamin na nagbigay sa'kin ng isiping magiging isa ang langit at lupa
Ikaw ang langit, ako ang lupa
Lupang sa'yo lamang tumitingala
Kailan kaya magiging isa ang tibok ng puso nating dalawa?
Titingnan mo pa kaya ako gaya ng pagtingin mo sa'kanya?
Ibig ko mang ibigay sa'yo ang lahat,
Hindi ko magagawa 'pagkat para sa'yo siya na ang sapat
Kaya't, mahal, sasabihin ko sa'yo ang salitang 'mahal kita'
Mahal kita kahit mahal mo siya,
Mahal kita kahit mahal ka niya,
Mahal kita kahit may mahal kang iba,
Mahal kita kahit nagmamahalan kayong dalawa,
Mahal kita kahit mahalin man ako ng iba
Mahal kita, mahal, ngunit kahit hatakin ko man ang mundo palapit sa araw ay balewala
Mahal kita ngunit kahit magliwanag man ang mundo siya pa rin ang iyong makikita
Mahal kita kahit ang sakit-sakit na
Mahal kita kahit wala na akong magagawa
Mahal kita, mahal...ipagpaliban man ang paglubog ng araw,
Pahintuin man ang pagliwanag ng buwan
Huminto man ang pag-ikot ng mundo,
Ang pagmamahal ko sa'yo ay mananatiling totoo.
BINABASA MO ANG
POETRY COMPILATION
PoetryNagmahal ka na ba? Umasa? Pinaasa? Binitawan? Sinaktan at dinurog? Then this compilation is for you.