Isang araw, nakilala kita at naging Masaya
Isang araw, ginawa ko ang lahat upang paibigin ka
Isang araw, sinabi mo sa'kin na may nararamdaman ka na
Isang araw, binigkas natin ang mga katagang 'mahal kita'
Kapag sinabi kong isang araw, ang ibig kong sabihin ay gusto kong maalala ang mga panahong tayo ay magkasama.
Kapag sinabi kong isang araw, ang ibig kong sabihin ay gusto kong maulit ang sandali noong tayo ay nagkakilala.
Kapag sinabi kong isang araw, ang ibig kong sabihin ay gusto kong maulit muli ang mga masasayang araw kasama ang isa't isa
Kapag sinabi kong isang araw, ang gusto kong sabihin ay sana makalimutan na kita. Makalimutan ko na ang lahat ng namagitan sa ating dalawa. Makalimutan ang bawat luhang tumulo mula sa akong mga mata
Kapag sinabi kong isang araw, gusto kong itanong kung paano mo nagawang mabuhay nang normal habang ako ay nagtitiis na makita kang may kasamang iba
Kapag sinabi kong iasang araw, gusto kong malaman kung minahal mo ba ako talaga dahil ngayon, sa pagkakataong ito masasabi kong pinagkaitan ako ng ningning ng mga bituin, pinagkaitan ng liwanag ng buwan na siyang tangi ko lamang pag-asa at karamay sa mundong tinangka nating buoin.
At isang araw, sa isang kisap-mata nagawa mo'kong kalimutan
At isang araw, sa pagmulat ko ng aking mga mata nagawa mong umalis nang hindi man iniintindi ang aking nararamdaman
At isang araw, ako'y nagging manhid sa sakit
At isang araw, hindi na ako makaramdam ng pait
Isang araw nakapagsulat ako ng kuwento. Kuwentong binuo ng isang 'ikaw at ako', kwento na nagtapos sa isang 'maghiwalay na tayo'
BINABASA MO ANG
POETRY COMPILATION
ŞiirNagmahal ka na ba? Umasa? Pinaasa? Binitawan? Sinaktan at dinurog? Then this compilation is for you.