[Pagbitaw]
Ng bawat salita,
Ay siya ring pagtulo ng aking mga luha
Bawat paglagas ng mga dahon,
Ay siya ring paglaya mula sa kahapon[Humulagpos]
Ang nais ko sa pagkakatali
Sa lahat ng mga pangakong iyong binali
Gusto ko ng isigaw na nasasaktan ako
Ngunit 'di ko magawa 'pagkat binubusalan ako ng pag-ibig mo[Paglaya]
Ang siyang tanging hiling ko
Sa nakaraan mo at nakaraan ko,
Sa nakaraang magkasabay nating binuo
Nakaraan 'pagkat ikaw at ako, wala ng tayo

BINABASA MO ANG
POETRY COMPILATION
PoetryNagmahal ka na ba? Umasa? Pinaasa? Binitawan? Sinaktan at dinurog? Then this compilation is for you.