Babalik ka pa ba?
Mahihintay pa ba kita?
May pag-asa pa ba
Ang binuo nating 'tayong dalawa'?
May rason man
Hindi ko pa rin maintindihan
Bakit kailangan mo akong iwan?
Bakit hindi man lang gumawa ng paraan?
Hindi pa ba ako sapat para ipaglaban?
Ipagsasawalang-bahala na lang ba?
Ang nangyayari sa ating dalawa?
Maghihintay pa ba
Kung sa tingin ko'y wala na talagang pag-asa?
Naguguluhan ako
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko
Maghihintay pa ba ako?
O panahon na para sumuko?
Pero naisip ko, sayang naman kung bibitawan ko
Ang mga panahon na magkasama tayo
Kahit kulang man sa oras
Alam naman natin na meron pang bukas
Pero paano na ngayon
Na sinusubok tayo ng panahon
Paano na ngayon na hindi ko alam kung babalik ka pa ba sa ganitong sitwasyon
Siguro nga maghihintay na lang ako
Maghihintay ako na bumalik ka sa piling ko
Maghihintay ako'ng magsimula ulit tayo
Maghihintay ako na sabihin mong muli na matulog na ako
Na 'wag kitang intindihin basta maghihintay ka sa muling pagmulat ng mga mata ko
Namimiss ko 'yon
Miss na miss ko na ang mga pagkakataong 'yon
Babalik ka pa ba?
Hindi ko man alam pero hihintayin pa rin kita
BINABASA MO ANG
POETRY COMPILATION
PuisiNagmahal ka na ba? Umasa? Pinaasa? Binitawan? Sinaktan at dinurog? Then this compilation is for you.