Maraming uri at klase ng pag-ibig
May pag-ibig na patago, meron din namang hindi
May pag-ibig na pinaglaban, meron din namang sinukuan
May pag-ibig na iningatan, meron ding binitawan
Pero hindi ko lang alam kung alin tayo doon
At mas lalong hindi ko alam kung bakit naghihintay pa rin ako ngayon
Sa dami ng sinabi mo, lahat 'yon pinaniwalaan ko
Pero ito lang ang tumatak sa isipan ko
Ang sabi mo mahal mo 'ko
Ang sabi mo maghihitay ka hanggang sa maging handa na ako
Ang sabi mo may kinabukasan pa tayo
Ngunit hindi pa man lumiwanag ang buwan binitawan mo na ako
Hindi pa man natapos ang gabi, wala ka na sa aking tabi
Hindi pa man sumisikat ang araw, binigyan mo na ako ng rason para bumitaw
Sa dami ng klase at uri ng pag-ibig,
Ang pag-ibig mo sa'kin ay galling lang sa bibig
Lahat ng sinabi mo puro lang kasinungalingan
Lahat ng lumabas sa bibig mo ay aking kinapitan
Kaya sa huli ako lang din ang nasaktan
Umasa ako na tayo pa rin balang araw
Umasa ako na ikaw at ako pa rin pagdating ng araw
Umasa ako na may 'tayo' pa
Pero aanhin ko ang pag-asa kung ikaw mismo sumuko na
Aanhin ko lahat ng pangarap kung bumitaw ka na
Bigyan mo man ako ng rason para manatili ngayon
Huli na dahil sinayang mo na ang lahat ng pagkakataon
Bigyan mo man ako ng eksplenasyon
Hindi na pwede dahil suko na ako
Siguro nga tama sila
Pinagtagpo lang tayo ngunit hindi tinadhana
Kung ako ang tatanungin ngayon,
Alin nga ba tayo sa maraming uri at klase ng pag-ibig?
Sasabihin ko,
Ang uri at klase ng pag-ibig natin
Ay 'yong, iningatan ngunit binitawan
inilaban ngunit sinukuan
���XL~
BINABASA MO ANG
POETRY COMPILATION
PoetryNagmahal ka na ba? Umasa? Pinaasa? Binitawan? Sinaktan at dinurog? Then this compilation is for you.