Nakalipas

87 8 0
                                    


"Nakalipas"

Ang masasayang araw ay nakalipas na

Lahat ng masasayang alaala ay pumanaw na

Kung paano'y hindi ko alam kung kailan nagsimula

Iniwan mo ako

Binasag mo ang batang puso ko


Di yata'y nakalimot ka na

Kinalimutan mo na kung paano tayo nagsimula

Kinalimutan mo na kung saan mo 'ko nakilala

At higit sa lahat, kinalimutan mo na kung paano mo 'ko sinamba at pinagpala


Naaalala mo pa kaya kung gaano ka kasaya noong una mo akon narinig na tumawa?

Naaalala mo pa kaya kung gaano ka kalungkot noong iiwan mo na ako at umalis ka?

Naalalala mo pa kaya kung paano ka nagbiro noong nagbalik ka na?

Marahil ay nakalimutan mo na


Nakalimutan mo na ang bawat masasayang alaala na binuo nating dalawa

Nakalimutan mo na ang bawat luhang tumulo mula sa aking mga mata

Nakalimutan mo na ang bawat tawa na binigay natin sa isa't isa

Nakalimutan mo na kung paano ka lumisan at nawalang parang bula


Sa nakalipas na ilang buwan ay tila balisa ako

Wala akong nararamdaman na init na hatid ng yakap mo

Wala akong narinig na matinis na paghalakhak mo

At wala akong nakitang luha na tumulo sa mga mata mo


Sa nakalipas na ilang araw, wala akong naramdaman na pagkabalisa mula sa'yo

Wala akong nabalitaan kung ano na ang nangyari sa'yo

Na tila ba ang magandang panaginip ay naging bangungot at nagising ako

Gumising ako sa reyalidad na nakalipas na ang binuo nating 'ikaw at ako'

At ngayo'y tila ba hindi ka parte ng mundo ko


POETRY COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon