"Lumayas kana dito! Pagkatapos ka namin bihisan at pag-aralin ito pa ang igaganti mo!" sigaw ni Mama Helen sa akin.
Bitbit niya ang isang bagahe na naglalaman ng mga gamit ko, na siya mismo ang nag-impake. Sa pilitan niya akong kinakaladkad papalabas ng kanilang bahay.
"M-mama, maniwala po kayo sa'kin. H-hinding-hindi ko po kayo, kayang pagnakawan." umiiyak na paliwanag ko."Magmamalinis ka pa? At sino sa tingin mo ang gagawa, ang anak ko? Mas paniniwalaan ko ang tunay kong anak, kaysa sa'yo! Simula ng dumating ka sa buhay namin, nagkandamalas-malas na ang pamumuhay namin! At nang dahil sa'yo, namatay rin ang asawa ko! Tinatapos ko na ang maging, ina-inahan mo. Wag ka nang babalik pa dito!" gigil na sabi niya, tsaka tinapon sa akin ang bagahe ko na hindi ko nasalo kaya bumagsak sa lupa.
"M-mama, w-wala po akong ibang mapupuntahan. P-parang awa niyo na po 'wag niyo 'kong paalisin..." lumuhod ako sa harapan niya at nagsusumamo.
Marahas na tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sakanya. At matalim akong tinitigan.
"Ayoko na muling makita ka pa!" huling salitang binitawan niya, tsaka ako tinalikuran. Mabilis niyang sinarado ang gate at pumasok sa loob.
Nanatili akong nakaluhod, habang humahagulhol sa iyak.
Pinagmasdan ko ang bahay na sampong taon akong nanirahan. Umaasa pa akong lalabas si Mama Helen at babawiin ang kanyang mga sinabi. Pero inabot na yata ako ng mahigit isang oras, walang Mama Helen na pagbubuksan ulit ako ng pintuan.
Dahan-dahan akong tumayo at pinulot ang gamit ko. Huling sulyap ang ginawad ko sa kabuuan ng bahay, bago ko tinalikuran at naglakad papalayo roon.
Sampong taon ang nakakaraan, nasunog ang bahay ampunan kung saan ako lumaki. Marami ang namatay sa trahedyang iyon, dahil sa lakas ng apoy na bumalot sa buong bahay. Hindi ko alam kung saan o paano nagmula ang sunog. Nasa bingit na ako ng kamatayan noon, dahil muntik na akong matupok ng apoy. Pero kahit yata anong kamalasan ang dala ko sa buhay, hindi parin ako natuluyan at nagawa ko 'pang makaligtas sa trahedyang iyon. Paika-ika akong maglakad nu'n, habang papalayo sa lugar na kinagisnan ko. Hindi ko alam kung saan na ako napapadpad. Lakad lang ako ng lakad sa kalsada, ni isang gamit ay wala akong nasalba o nadala. Maruming-marumi na ako kung titingnan. Ulila na nga ako, nag mukha pa akong pulubi. Sa pagod at ilang araw na akong nalipasan ng gutom, ay tuluyan na akong nawalan ng malay sa lansangan.
Nagising ako na nasa isang kwarto na at malinis nang tingnan. Bumungad sa paningin ko ang isang lalaking nagngangalang Dencio, na siyang nakakita pala sa akin. Nakilala ko rin ang kanyang asawa na si Mama Helen at ang kanilang nag-iisang anak na si Sophia.
Tinanggap nila ako at maayos na itinuring, na parang isang tunay na kadugo. Pinag-aral nila ako, hanggang sa makapagtapos ng High School. Pero simula nang mabaling sa akin ang atensyon ni Papa Dencio at Mama Helen na madalas akong purihin, dahil sa matataas na grado ang nakukuha ko sa pag-aaral. Palihim akong ginagawan nang hindi tama ni Sophia, maging mali lang sa paningin nila Mama't, Papa.
Sinisisi rin nila ako, dahil sa akin namatay si Papa Dencio. Debut nu'n ni Sophia, pero ginanap nalang nila sa isang resort. Inaya ako ni Sophia na lumangoy kaming dalawa, pero ilang beses na akong tumanggi at sinabing hindi ako marunong lumangoy. Pero hindi siya tumigil, hanggang sa hindi niya ako napapayag. Nangako siyang hindi niya ako bibitawan, pero nang nasa malalim na parte na kami nu'n at lagpas-lagpas na ang tubig dagat sa taas ko. Bigla siyang sumisid pabalik sa mababaw at iniwan akong mag-isa roon. Mabilis na lumubog ako sa ilalim at nagpapadyak ng mga paa at kamay ang nagagawa ko para makaahon.
"J-jan! Jan! Jan..." paulit-ulit na tawag ko kapag nakakaahon ako sa tubig dagat."Anak nandito si Papa, 'wag kang matakot." sabi ni Papa sa akin.
"P-papa... Papa..." takot na takot na sabi ko sakanya, at mahigpit na yumakap.
"Sssh... Nandito na si Papa." pagpapakalma niya sa'kin.
"C-carlito!" biglang tawag niya sa kapatid na kakaahon lang mula sa pagkakasisid sa ilalim.
"K-kunin mo si D-denzel!" nahihirapan na sabi niya.
"P-papa bakit po?" nagtatakang tanong ko, at lumulubog-lubog na rin kami.
Lumapit naman si Tito Carlito sa amin at mabilis akong pinasa ni Papa sakanya.
"A-anong nangyayari sayo, kuya?" tanong ni Tito Carlito."P-pinu...pulikat a-ako. I-iligtas mo si D-denzel, h-hindi siya marunong luma...ngoy." hirap at paputol-putol na sabi ni Papa.
"P-papa... p-papa..." paulit-ulit na tawag ko sakanya at pilit na inaabot siya.
"T-tito, iligtas niyo po ang Papa ko." sabi ko. Natataranta naman si Tito, kung ano ba ang dapat niyang gagawin.
"B-babalik ako, kuya. H-hintayin mo ako." usal ni Tito at mabilis ako hinila papunta sa mababaw.
Pero huli na ang lahat! Dahil pagbalik niya roon, binawian na ito ng buhay. Sobrang pinagsisisihan ko ang sinapit ni Papa. Araw-araw akong nagdurusa, maging sa panaginip ay halos bangungutin na ako at hindi na muling magising pa.
Simula nu'n nag iba na ang trato sa akin ni Mama Helen, hindi na gaya ng dati. Pero itinaguyod niya parin ako hanggang sa makapagtapos ako ng
High School.
Ngayon galit na galit siya sa'kin dahil nakitaan niya ako sa wallet ko, nang sampong libong pera niya na nawawala. Iyong pera na iyon ang ipangbabayad ni Sophia sakanyang 'pang matrikula sa kolehiyo. Pinalalabas niyang naiinggit ako, dahil hindi ko daw matanggap na hindi na ako matutustusan ni Mama sa pagkokolehiyo.
Masama 'man ma'ng bintang, pero nasisiguro kong si Sophia ang naglagay nu'n sa wallet ko. Matagal ko ng tinitiis ang mga hindi tamang ginagawa niya sa akin. Dahil una sa lahat, malaki ang utang na loob ko sakanila at ayoko rin mawasak ang pamilya namin.
Naiintindihan ko naman, kung hindi ako mapapag-aral ni Mama sa kolehiyo. Dahil alam kung mahihirapan talaga siyang pag sabayin kaming tustusan ng kapatid ko. Balak ko sanang maghanap ng trabaho, para naman kahit papaano ay makaipon ako at makatulong sa gastusin. Pero ito nga ang nangyari. Pinalayas ako at ang mas masakit pa roon, ay masama ang loob sa akin ni Mama.
~beep beep beep~
Napabalik ulirat ako, nang may marinig akong sunod-sunod na bumusina.
"Magpapakamatay ka ba?" sigaw niya sa akin.
Napatulala naman ako sakanya.
Magulong buhok, singkit na mga mata, matangkad, matitipunong bisig at higit sa lahat mapupulang labi na sa tingin ko ay 'kay sarap halik-halikan!
Dammit!
~beep beep beep~
Napapitlag naman ako, nang muli niya akong businahan. Lumabas muli siya sa kotse niya, at lumapit sa direksyon ko.
Habang papalapit siya, parang nag slow mo ang paglalakad niya sa paningin ko.
"Kung balak mo'ng magpakamatay! Sa susunod na sasakyan ka magpasagasa, Miss!" inis na sabi nito tsaka ako hinila paalis sa harap ng kotse.
Sumakay na ulit siya at mabilis na humarurot paalis. Kahit wala na sa braso ko ang magaspang niyang palad na humawak sa'kin, nararamdaman ko parin iyon doon.
~beep beep beep~
Napa-angat naman ako sa pinanggalingan ng businang iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko at sunod-sunod na napalunok. This time isang malaking truck na ang papalapit sa akin. Nasa pinakagitna pala ako ng kalsada. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko, pakiramdam ko ang bigat-bigat nu'n at dumikit na iyon sa kinaroroonan ko.
Tatanggapin ko, kung ito na talaga ang katapusan ko. Kung hanggang dito nalang ba talaga ako. Dahil pakiramdam ko, wala na rin naman saysay ang buhay ko lalo na't mag-isa nalang ako.
Naipikit ko na ang mga mata ko. Hihintayin ko nalang sumalpok ako sa truck at bumulagta sa kalsada at maligo sa sarili 'kong dugo.
-----
Date Started: 11/13/16
Date Updated: 11/20/16
BINABASA MO ANG
My Love Denzel
RomanceLahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang...