DENZEL's
Napamulat ako nang biglang may mabilis na humarurot na sasakyan at huminto sa harapan ko. Muli akong napapikit nang papasalpok na ang truck sa kotse. Naghintay ako ng ilang sandaling makarinig nang ano 'man ingay na magaganap, pero wala akong narinig. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong hindi bumangga ang truck sa kotse. Sa tingin ko'y nakapreno pa ang truck, bago ito matuluyang bumangga doon.
Nabawasan ang takot at kaba ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
"Talagang susundin mo ang sinabi ko kanina, na sasusunod na sasakyan ka nalang magpasagasa?" sigaw niya sa'kin na parang pinagagalitan ako at para lang din magkakilala kami.
Natameme ako sa harap niya.
"Baliw ka ba?" tanong niya at kinaladkad ako sa tabi ng kalsada."Tsk! Bahala ka nga!" singhal niya, tsaka ako tinalikuran at naglakad pabalik sa kotse.
"Hihilahin mo nalang ako kanina, bakit sa pinakagitna pa! Ikaw ang baliw!" sigaw ko, kahit alam kong hindi na niya iyon narinig. Dahil nakaalis na siya.
Ilang beses na ba nanganib ang buhay ko? Napakaswerte ko ba at hindi ako matuloy-tuluyan?
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Nakararamdam na ako ng pagod at gutom. Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan ang laman nu'n. 350? Paano ako makakaraos sa halagang meron ako. Hanggang kailan aabutin ito sa'kin? Titirikan nalang ba ako ng mga mata, hanggang sa kitilan ng buhay?
Napahilamos ako sa mukha ko, inabot na ako ng gabi sa lansangan.
Naghanap ako ng tindahan at bumili ako ng tinapay at tubig. Kinain ko ito agad. Habang kumakain ako, naagaw naman ng atensyon ko ang isang bar na natatanaw ko sa hindi kalayuan. Mabilis na tinapos ko ang kinakain ko at tsaka ako naglakad papalapit roon.
"Moon Club?" mahinang sambit ko.
May isang grupo naman ang nag si labasan mula roon. Mga babaeng hostess at may kasamang tig-iisang customer. Ang iba ay may mga hawak na libo-libong pera at ang iba naman ay gumagawa na ng kababalaghan. Kahit nasa labas palang sila at maraming makakakita.
"Hostess ba ang sagot, para mabuhay ako?" tanong ko sa itaas.
Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko pa isa-isa. Pinagpapawisan na ako ng malamig, at abot ang kabog ng dibdib ko hanggang sa makarating ako sa entrance.
"Miss mag-aaplay ka ba, bilang hostess?" tanong ng security at sinimulan akong pasadahan nang tingin mula ulo, hanggang paa. Kaya naman mabilis kong naiharang ang gamit ko sa dibdib ko.
Sa paraan na pagkakatitig niya sa akin, ay hindi ko iyon nagugustuhan. Para na niya akong hinuhubaran!
"Kunting ayos lang sa'yo at mas hapit at maiksing damit ang masuot mo. Paniguradong mas lilitaw ang kagandahan mo at ang magandang hubog ng iyong katawan. Hindi ka mawawalan ng customer at isa na rin ako sa magiging customer mo, Miss." nakangising sabi niya sa akin. Nakakatakot ang itsura niya!
Napaatras ako ng ilang hakbang.
"H-hindi po..." usal ko tsaka mabilis na tumakbo papalayo."Miss..." tawag niya, pero binalewala ko iyon.
Mas gugustuhin ko 'pang mamatay nalang, kaysa ang kumapit sa patalim para lang mabuhay!
Tumakbo ako ng tumakbo, hanggang sa sobrang layo na ang narating ko. Nanlulumong naupo ako sa isang bench at doon nagsimulang humagulhol.
"Kunin niyo nalang po ako!" sigaw ko sa kalangitan.
Wala namang silbi ang buhay ko, kung mananatili pa ako rito. Nag-iisa nalang ako at walang karamay sa mundong ito.
Hindi ko nga matandaan kung kailan pa ako huling nakaramdam nang saya. Mas marami pa yatang mapapait at hinagpis ang dinanas ko sa buhay. Bakit pa ako sinilang o nabuhay, kung puro pasakit lang din naman ang daranasin ko.
Magiging masaya pa ba ako?Giginhawa pa ba ang buhay ko?
Kung hindi 'man...
Nakikiusap ako na sana kitilin nalang ang buhay ko, at tapusin na ang paghihirap ko.
Magdamag akong hindi nakatulog, dahil wala naman ako matutulugan.
Hinintay ko nalang sumikat ang araw. Naghanap ako ng karenderya na pwede kong kainan. Isang lugaw at tatlong pandesal lang ang inorder ko. Unli lugaw naman iyon, kaya sinulit ko. Nakabusog na ako, nakatipid pa ako. Pagkatapos, banyo naman ang hinanap ko, para maka-pagbawas ng sama ng loob at makaligo na rin. Nakahanap naman ako, at sampong piso ang bayad sa paggamit. Nagsuot lang ako ng isang maroon na plain v-neck shirts, faded jeans at nag-iisa kong converse na regalo pa sa akin ni Papa Dencio noon.
Pumunta ako sa computer shop at gumawa ng resume. Limang kopya ang pinagawa ko. Magdamag lang akong nag-isip kung ano na ang solusyon sa buhay ko. Na pag desisyunan ko naman na maghanap ng trabaho, para makaraos sa buhay.
Siguro naman may plano pa ang Diyos para sa akin.
Sinubukan ko mag apply sa mga fast food chain, pero karamihan sakanila ay pinapaiwan muna sa akin ang resume na dala ko. Tatawagan nalang daw nila ako kapag may interview o kailangan nila ng tauhan. Malabo naman makapagtrabaho ako roon, dahil wala akong numero na makokontak nila. Naiwan ko ang cellphone ko sa bahay nila Mama Helen.
Mas maganda sana kung iyong mahahanap na trabaho ko, ay may libreng tutuluyan o murang mauupahan.
Maghapon akong naghanap ng trabaho, pero nalipasan na ako ng gutom wala parin akong mahanap. Hindi nga pala talaga biro makahanap agad ng trabaho, lalo na't High School graduate palang ako.
Napahawak ako sa tiyan kong kumakalam na sa gutom. Napatingin ako sa paligid ko.
"Villa Donata Subdivision?" patanong na sabi ko.
Ano naman gagawin ko dito, puro nagsisilakihan na mga bahay lang ang naririto.
Sinilip ko ang pera ko sa wallet, 130 nalang ang natitira sa pera ko. Tatalikod na sana ako para maghanap nalang ng tindahan na mabibilhan ng pagkain, nang may tumawag sa akin.
"Miss..." napahinto ako at tiningnan siya.

BINABASA MO ANG
My Love Denzel
RomanceLahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang...