DENZEL's Pov
Laking pasasalamat ko na wala na si tadha--- este, messy hair na iyon pagbaba ko kagabi. Mukhang wala naman ka alam-alam si Sir, sa kalokohang ginawa ko sa bestfriend niya.
"Nagpaalam sa akin si Jam, na isasama ka daw niya mamaya." Basag ni Sir, sa kalagitnaan namin pag-aalmusal."P-po?"
"I said, nagpaalam sa akin si Jam, na isasama ka daw niya mamaya." Ulit naman niya.
Narinig ko naman nu'ng una palang, nagulat lang ako.
"S-saan po?""I don't know." Kibit balikat na sabi niya.
"Hindi niyo po alam?"
"Don't know." Napailing pa 'to.
"B-bakit daw po?"
"Hindi ko rin alam, walang sinabi."
"Hindi niyo po talaga alam?"
"I'm tired repeating my lines, Miss Delgado." Singkit matang sabi niya, mukhang nainis ko pa ito.
"S-sorry po." Nakayukong sabi ko.
"Don't worry, mabait si Jam." Rinig kong sabi niya.
Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ito na yata ang huling kain ko, mamaya siguro katapusan ko na. Masyado naman napaaga ang pagyaya niya 'kay kamatayan.
"Iwanan mo nalang ng pagkain si Denny, sa kulungan niya bago ka umalis. I'm leaving." Bilin niya, tsaka nagmartsa paalis.
Napahilot ako sa sintido ko. Ngayon palang sumasakit na ang ulo ko, paano pa kaya mamaya? Mas nanaisin ko 'pang si Denny, ang makakasama ko sa buong maghapon.
Ipinalangin kong sana 'wag matuloy ang pagyaya niya sa akin. Sana sumakit ulo niya, nagkalagnat, sipon, ubo, chicken fox, o LBM. Masama na kung masama, 'wag lang kami magkita.
"Waaaaah..." Sigaw ko nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell.
Hindi ko ito pinagbuksan, hinayaan ko siyang magpipindot doon.
"Argh!" Singhal ko nang naririndi na ako sa tunog.
Todo takip ako sa tainga ko. Napamulat ako nang biglang tumigil ito. Hinintay kong tumunog ulit, pero mukhang sumuko na siya.
"Thank you, Lord." Pasasalamat ko sa taas at nag sign of the cross pa.
Lumabas ako at sinilip siya sa may gate. Nagtaka ako kasi may kotse sa harap, pero wala naman tao.
"Sino ba hinahanap mo diyan, tadhana?" Tanong ng nasa likod ko at kinakalabit pa ako.
Wait, tadha---
Napalingon ako sa likuran ko. Gulat akong napaatras at napahilig sa may gate, dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
"P-paano ka nakapasok dito?" Sigaw ko."Woah. 'Wag kang sumigaw, baka mapagkamalan pa akong akyat bahay." Sambit niya at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat. Marahas ko naman iyong tinanggal.
"H'wag mo nga akong hahawakan." Mariing sabi ko.
"Tatawag ako nang guard. Sasabihin kong tirik na tirik ang umaga may akyat gate agad." Sambit ko at nagmartsa pabalik sa loob.
"A-akyat gate?" Nakangangang sabi niya.
"Hindi ba dapat akyat bahay?" Dugtong niya.
"Tuturuan mo pa akong magsinungaling! Ano ba ang inakyat mo? Hindi ba't gate? Kung bahay ang inakyat mo, sana nasa bintana o bubong ka na ngayon." Sigaw ko.
"Hahaha... Oo nga naman." Tatawa-tawang sambit niya.
"Alis." Sabi ko, dahil nakaharang siya sa dadaanan ko.
"Paano kung ayaw ko?" Hamon niya.
Sinamaan ko ito ng tingin. Lumihis nalang ako, tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Hahabol-habol naman siya at hinaharangan ako.
"Umalis ka nga diyan!" Kunot-noong sigaw ko, dahil humarang siya sa may pintuan."Paano kung ayaw ko ulit?" Tanong ko.
"Bakit ka ba nandito?" Pumapadyak 'pang sabi ko sa inis.
"Hindi ba sinabi sa'yo ni Rojan?" Tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/90657163-288-k585759.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Denzel
RomantizmLahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang...