Chapter 7

43 3 0
                                    

DENZEL's Pov


Nagising ako sa isang malambot na couch. Dahan-dahan akong napabangon, medyo masama parin ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa tiyan ko at sunod-sunod na napapaduwal. Pinigilan kong masuka gamit ang kamay kong, pinangtatakip sa bibig ko.


Dali-dali akong tumayo, at natatarantang naghahanap ng banyo.


"What are you doing, Miss Delgado?" rinig kong sabi ni Sir Imperio, nakakapasok lang.


Narito parin pala ako sakanyang opisina.

 
Tinuro ko ng isang kamay ko ang bibig ko. Nagsalubungan naman ang kanyang kilay, at kalaunan nakuha niya rin ang ibig kong iparating. Mabilis niyang itinuro ang isang pinto rito. Dumiretso na agad ako doon, habang kaya 'pang pigilan.


Laking pasasalamat ko na sumakto sa bowl ang pagsusuka ko. Nakasubsob parin ako sa bowl at nahihirapan mailabas ang natitira. Duwal ako ng duwal pero ayaw naman lumabas. Nagulat nalang ako nang may humahagod na sa likod ko, habang hinahawi ang buhok kong lumalaylay na sa bowl. Hindi ko na kailangan tingnan pa, dahil kabisado na ng katawan ko ang mainit at magaspang niyang palad. Kami lang rin naman ang naririto.


Sunod-sunod na naisuka ko ang natitira. Napasalampak ako sa sahig, nang makaramdam ako ng panghihina.


"Hey, get up! It's dirty." usal niya.


Narinig ko ang pagflash ng bowl. Nahiya ako, dahil siya pa ang gumawa nu'n.


Kumapit ako sa bowl, para suportahan ang sarili kong makatayo.


"Yaaah! Kadiri ka." maarteng singhal niya.


Napatili naman ako nang bigla nalang akong umangat sa sahig.


"Sir, ibaba niyo po ako. Kaya ko po'ng maglakad." piglas ko.


Buhat-buhat niya ako na parang bagong kasal, habang naglalakad palabas ng banyo.


"Shut up! Nanghihina kana't lahat, nagagawa mo 'pang sumigaw. Tch!"


Hindi na muli akong nagsalita. Tahimik nalang akong, yakap-yakap ang sarili ko. Hindi ako humawak sakanya, lalo na't humawak ako sa bowl. Nakakapandiri nga naman ako! Inilapag niya ako sa couch, kung saan ako nagising kanina. Binigyan niya ako ng tubig, tissue at hand sanitizer.


Napakaarte!


"Iyong pinadala ko sa'yo---"


Hindi pa 'man tapos ang kanyang sinasabi, lumuhod na agad ako sa sahig. Alam kong pagagalitan niya ako.


"Ano 'bang meron sa sahig at napakahilig mo'ng maupo o lumuhod?" kunot-noo niyang tanong.


"Eh? Tatanggalin mo na ba ako, dahil nasira ko iyong dokumento? Napunit ba? Natapunan ba nang bulalo?" sunod-sunod na tanong ko.

"Tumayo ka nga diyan!" mariin niyang utos.


Mabilis naman akong tumayo. Binabalanse ang sarili ko, upang hindi matumba.


"Bakit pilit 'kang tumatayo, kung pwede ka naman maupo para hindi ka matumba?"


What the? Kakautos lang niyang tumayo ako, diba? Maarte na nga, may saltik pa yata!


Napainom nalang ako ng tubig pagkaupong-pagkaupo ko.


"Hindi nasira iyong documents na kailangan ko. Sa katunayan nagamit ko pa nga siya kanina. Bago pa matapunan ng dala mo'ng pagkain, ay nakuha ko na iyon." mahabang litanya niya.


Napahinga ako nang maluwag. Mabuti nalang ganoon ang nangyari.


Pero sayang iyong pagkain na dala ko. Sahig lang pala ang manginginabang.

 
"Ang gusto kong malaman, ay kung bakit ka nahimatay?" dugtong na tanong niya.


Napayuko naman ako.


"I am asking you, Miss Delgado!" napatingala naman ako.

"H-hindi po ako sanay sumakay sa elavator." mahinang sagot ko, pero alam kong rinig niya ako.

"Bakit hindi mo sinabi, para sa iba ko nalang sana ipinahatid." mahinahong usal niya.

"Nagtatrabaho po ako sainyo, Sir. Ang trabaho ay hindi pwede ipasa sa iba, kung sa'yo naman nakaatas." paliwanag ko.


Narinig ko naman ang pagsinghal niya.


Tumayo na ako. Mabuti-buti naman na ang pakiramdam ko.


"Aalis na po ako, Sir." paalam ko.

"Sasakay kana ulit sa elavator?" tanong niya.


Bigla naman akong napaupo. Nanlalambot!


"May hagdan po ba?" tanong ko.

"Meron, nasa kabilang dulo." sagot niya.

My Love DenzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon