DENZEL's Pov
"Take a seat, Miss Delgado!" sabi nito nang makabawi sa gulat at tinuro ang upuan na nasa harapan ng table niya."O-opo." wala sa sariling sabi ko at humakbang papunta roon tsaka naupo.
"Ikaw iyong baliw kahapon na muntik ng masagasaan, diba?" tanong niya.
"Wala naman po akong balak magpasagasa at lalong hindi po ako baliw." usal ko.
"Tsk. May I see your papers, Miss Delgado?" inilahad niya sa'kin ang kamay niya. Nanginginig na inabot ko naman ang folder na hawak ko.
Binuklat niya iyon at sinuri.
"Kakagraduate mo lang ng High School, pero 20 years old kana dito." sambit niya at nag-angat ng tingin sa'kin."Opo. 10 years old na po kasi ako nu'ng makapag-aral ako sa Elementary. Kaya po kakagraduate ko lang sa High School." paliwanag ko at tumango-tango naman ito.
"Wala 'kang balak mag kolehiyo?" tanong niya.
"Syempre po meron! Gusto ko nga po makapagtapos. Kaya lang sobrang labong mangyari nu'n." usal ko.
"But why?" kunot-noong tanong niya.
Parte pa ba 'to ng interview?
"A-ano po kasi..." nag-aalangan ako magkwento. Pero mukhang naghihintay talaga siya sa sasabihin ko."Pinalayas po kasi ako. Kaya naman kailangan ko maghanap ng trabaho at matutuluyan para makaraos sa buhay." nakayukong kwento ko.
Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga niya.
~kru...kru...kru...~
Kung bumubuka 'man ang lupa. Pakiusap bumuka ka na ngayon na! Lamunin mo na ko...
Nagdrama na nga ako, pati ba naman sikmura ko umeksena rin.
"Manang Xena, pakihatid na po dito ng pagkain." rinig kong sabi niya, sa kung saan lang at may pinindot."Makakapaghintay pa naman siguro 'yan ng ilang minuto?" tukoy niya sa sikmura ko na patuloy na kumakalam.
"S-sa labas nalang po ako kakain. I-itatanong ko nalang po sana kung tanggap po ba ako o hindi?" kabado ako sa magiging sagot niya.
May kumatok sa pinto at pumasok si Manang. Mabilis na napatayo ako at kinuha ang isang tray na may lamang pagkaing dala niya.
"Salamat, Hija." usal niya, ngumiti lang ako.
Naghila siya ng maliit na table at doon ko iyon ipinatong.
"Bababa na rin ako, hijo. Mag sabi ka lang kung may kailangan ka. Nasa kitchen lang ako, magluluto na ko para sa dinner." sabi ni Manang. Tumango lang si Sir sakanya. Ngumiti naman sa akin si Manang, bago lumabas."Kumain ka na, Miss Delgado!" agaw pansin niya sa'kin, nasa pinto pa rin kasi ang atensyon ko.
"Wag na po Sir. Salamat nalang po. Nais ko lang po sana malaman kung tanggap po ba ko?" tanong ko ulit, habang nasa harap niya na nakatayo.
"Hindi!" agaran sagot niya, tsaka sumandal sa kinauupuan at mataman akong tiningnan.
Bagsak ang dalawang balikat ko at mabilis na nangilid ang mga luha ko, kaya agad akong napayuko.
Naiisip ko na wala na talaga akong pag-asa, para manatiling mabuhay pa.
"S-sige po. A-aalis na po ako---""Hindi kita tatanggapin kung ang isang simpleng alok ko sa'yo ng pagkain, ay tinatanggihan mo na agad." putol niya sa sinabi ko.
Napaangat naman ako ng tingin sakanya nang mapagtanto ang kanyang sinabi.
Mabilis na naupo ako sa harap ng pagkain, pero agad din akong napatayo. Kinuha ko ang isang pinggan na may lamang cake at sandwich at pati na rin ang juice. Maingat na nilapag ko iyon sakanyang table.
"Kumain na din po kayo, Sir. Sa katunayan po niyan, hindi naman po talaga ako tatanggi sa alok niyo. Hinihintay ko lang po talagang pilitin niyo 'ko." parang timang na sabi ko at naupo muli.
Narinig ko ang pag ngisi niya, pero binalewala ko nalang iyon at sinimulang lantakan ang nasa harapan.
~cough cough cough~
Dali-dali kong kinuha ang juice, tsaka mabilis na nilagok iyon.
"Are you okay, Miss Delgado?" tanong ni Sir. Napatayo ito at balak pa akong lapitan, pero sumenyas ako na ayos lang ako.

BINABASA MO ANG
My Love Denzel
RomanceLahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang...